Coffee Baby

2.9K 73 12
                                    

Isang gabi nun naghuhugas si Selya nang kanilang pinagkainan nang biglang tumunog ang telepono.
Dali-dali niya naman itong sinagot.

"Hello?" Bungad niya sa kabila ng linya.

Ngunit walang sumagot.
Binaba na lamang niya ang telepono at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan nang tumunog na naman ang telepono.

"Hello?" Ngunit walang sumagot sa kabilang linya. Biglang uminit ang ulo ni Selya.
"Kung wala kang importanteng sasabihin huwag mo akong tatawagan! Istorbo!" Padabog niyang ibinaba ang telepono.

Ngunit pagkaraan ng ilang minuto tumunog ulit ito.

"Ano ba ang kailangan mo!?!" Galit na bulalas niya.

Isang nakaka-kilabot na tawa ang sumagot sa kaniya sinundan ito ng isang nakakapanindig balahibong kanta.

"Coffee Baby, Coffee Baby,...
Huwag iwanan ang anak...
Baka pagbalik ay puno na ng saksak"

Tumawa na parang halimaw ang kaniyang kausap. Kinabahan si Selya.

Dali-daling niyang inakyat ang kaniyang mga anak sa kani-kanilang kwarto.
Ngunit nawawala ang kaniyang anak na 5 taong gulang.
Ginising niya ang kanilang mga kasambahay upang hanapin ang kaniyang bunso.
Hindi ito nahanap, hanggang kina-umagahan, naghahanda na siya upang pumunta sa presinto.
Ngunit nang kaniyang buksan ang closet sa kaniyang kwarto para magbihis.
Tumambad ang wala nang buhay na katawan ng kaniyang anak.
Puno ito ng saksak sa katawan at maraming pasa ngunit ang nakakapagtaka naliligo ito ng kape...

©ChimKie

********

Hi Yvels, so kamusta ang first update ko?
Ok ba?

———
Hi Yvels! Ini-edit ko pala ang mga naunang part ng librong ito. Masakit kasi sa mata kapag nagre-read ako ta's maraming error, hahaha. Gusto ko din palang magpasalamat sa patuloy na sumusupporta sa mga kwento dito sa Gimbal at Sindak.
Btw, available na pala ang audio narration ng ibang kwento ko dito sa Youtube. Check niyo lang ang Hilakbot TV at Sindak Short Story.

Maraming salamat uli.
Happy reading Yvels!

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon