Kapit-Bahay 2

739 22 12
                                    

Naghintay ako kung kelan lilinisin ng mag-asawa ang pangalan nila at ipaliwanag na hindi sila aswang ngunit ni isang salita ay wala silang isinumbat sa mga nagpapanirang-puri sa kanila. Naging ilag sa tao ang mag-asawa at ni minsan ay hindi na lumalabas ng bahay at kung lalabas man sila ay madaling araw na umuulan o di kaya ay takip-silim. Minsan ay nagawi ako sa aming bakuran at napagdesisyunang mag-walis dahil marami na namang tuyong dahon.

Nagulat lang ako nang mag-tumapik sa balikat ko. Napalingon ako kaagad at tumambad sa akin ang nakangiting si Aleng Teresita. Binati ko siya ng magandang araw at ngumiti lang siya sabay abot ng supot na puno ng hinog na mangga. Ngunit na gulat ako nang makita kong may bahid ng dugo ang kuko ni Aleng Teresita pero parang wala lang ito sa kanya dahil pagkatapos niyang mai-abot sa akin ang supot ay umalis din naman siya kaagad.

Doon na umugong sa isip ko ang mga tanong. Totoo bang Aswang sina Aleng Teresita?

Iwinaksi ko na lamang ang isiping iyon at naglakad papasok sa bahay upang ilapag ang supot ng mangga.
Kinagabihan, brown-out sa buong barangay dahil sa hindi ko malamang dahilan. Natapos na kaming maghapunan ay lumabas muna ako para magpahangin dahil sobrang init sa loob ng bahay. Sumama naman sa akin ang kuya ko. Naglakad-lakad kami sa daan hindi pa kami nakalalayo sa bahay nang biglang may narinig kaming inggay na parang sinasakal. Hinila ako ni kuya para magtago sa likod ng Jeep na naka-park sa kalye.

Sinilip namin kung anong meron pero laking gulat ko ng makita ang isang babaeng sinasakal at dinadambahan ang isang lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa amin pero nakikita ko kung gaano kahaba ang kuko nito. Nagulat na lang ako ng bumulong si kuya na bibilang siyang tatlo ay tatakbo kami at yun nga ang nangyari kumaripas kami ng takbo pauwi sa bahay at humingi ng tulong kay Mama. Dali-dali namang humingi ng tulong si Papa sa baranggay tanod at pulis.

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon