Bakit dapat mong katakutan ang kamatayan?
Halika at ikukuwento ko.
Matagal na panahon na ang nakalipas, meron isang napakayamang babae na nakatira malapit sa dalampasigan. Hindi siya tumatanggap ng kahit sino bilang panauhin sapagkat gusto niyang mapag-isa sa kaniyang malaking mansiyon. Ginugugol niya ang kaniyang maghapon sa dalampasigan, binibilang ang mga bituin sa kalangitan at binibilang ang butil ng buhangin.
Meron siyang nag-iisang kaibigan, hindi ito katulad ng pangkaraniwang tao, dahil hindi ito tao. Ang anino ng kamatayan ang kaniyang kaibigan. Ito parati ang nasa tabi niya upang bawasan ang kaniyang kalungkutang nadarama. Una silang nagkita ng kunin ng anino ang buhay ng kaniyang ina. Sobrang natakot ang babae ngunit binati niya ito.
"Bakit hindi ka tumakbo palayo? Hindi ka ba natatakot?" tanong ng anino.
"Sapagkat parte ka na nagpapaganda sa buhay." tugon ng babae.
Ang anino ng kamatayan ay namangha sapagkat hindi pa siya nasasabihang maganda. Nanatili ito sa tabi ng babae hanggang matapos ang Larao, isang ritual ceremony para protektahan ang katawan ng ina ng babae laban sa mga masasamang elemento. Nahulog ang loob ng anino sa babae sapagkat ito lang ang nag-iisang mortal na sobra ang pagrespeto sa kamatayan.
Ang anino ay napakaseloso at gusto nitong angkinin ng buo ang babae. Parati itong nakabuntot sa babae at nagpapalano kung paano ito papatayin para magkasama na sila. Ngunit hindi tanga ang babae at alam nito ang pinaplano ng kaniyang kaibigan. Hanggang isang araw ay umalis siya sa kaniyang tahanan at binisita ang kaniyang lola.
Ang matanda ay nagtatagalay pala ng isang kakaibang kapangyarihan na matagal na niyang inalok sa apo pero tinanggihan siya nito. Walang nagawa ang babae kundi tanggapin ang pamana ng kaniyang lola sapagkat ang anino ng kamatayan ay papalapit na sa kaniya.
Nahuli ng anino ang babae ngunit nagtaka ito sapagkat hindi binawian ng buhay ang babae. Hindi ito mamatay-matay. Naghiganti ang babae at kapag hindi nirerespeto ang kamatayan ng kahit sino ay lumalabas siya.
Hindi ka dapat matakot sa kamatayan.
Matakot ka kung ano ang mangyayari pagkatapos.
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...