Sulat

160 3 1
                                    

Isang araw nun pauwi na kami ni Mama mula sa eskwelahan. Sinundo niya ako sa kindergarten school ko noon. Nakatira kami sa isang malayong bayan ng Taytay. Nang makauwi na kami ay binuksan ni Mama ang backdoor kung saan naroon ang aming kusina. Nang makapasok na kami ay kapwa kami natigilan ni Mama.

Nasa itaas ng kitchen counter namin ay may nakabaon na kutsilyo. Nakabaon ito sa kahoy na chopping board. May sulat sa ilalim ng nakabaong kutsilyo. Nanginginig ang kamay ni Mama habang kinukuha ang sulat. 

Nakita ko siyang namutla pagkatapos niyang mabasa ang sulat. Dali daling kinarga niya ako at lumabas kami ng bahay. 

Tatlumpu't limang taon na ang nakalipas ng isiwalat ni Mama sa akin kung ano ang laman ng sulat. Nakasulat daw dito ang sumusunod;

"Paki ayos ng bintana sa kwarto ng anak mo. Hindi ako nakapasok kagabi dahil hindi ko mabuksan!"

Dugo daw ang ginamit na pangsulat doon kaya natakot siya ng sobra. May nakadrawing pa na unhappy face sa ilalim ng sulat. Sinabi din niya na nabuksan ng kung sino ang bintana sa kusina namin kaya nakapasok ito. 

Isinuplong niya ito sa pulisya ngunit wala ang mga itong mahanap na maaring may kagagawan nun. At mapahanggang ngayon ay patuloy ko pa ding binabantayan ang bintana sa aking silid.

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon