Nakatingin ako sa sarili kong repleksyon. Baka kusa itong gumalaw katulad ng dati. Sinasabi ng iba na baka pinaglalaruan lang ako ng aking imahinasyon. Pero alam ko sa sarili ko na totoo ang aking nakita.Mabilis kong itinaas ang aking braso at ipinatong sa ulo ko. Nararamdaman kong nahuhuli ng isang segundo ang aking repleksyon. Sigurado ako dun. Tinitigan ko ito nang mas matagal. Habang tumatagal ay unti-unti kong nakikita ang aking mga kapintasan. Ang mga tigyawat ko sa mukha, ang aking matabang pangangatawan, at ang mga peklat ko. Namuo ang mga luha sa aking mata, pinahid ko ito at muling tumitig sa aking repleksyon. Namilog ang aking mata dahil nakangising nakatitig sa akin ang aking repleksyon. Biglang nagpatay-sindi ang ilaw. Nagsalita ito at umalingawngaw sa apat na sulok ng silid ang malalim nitong boses.
"Alam mo, lahat ng nakikita mong kapintasan sa iyong katawan ay dahil sa akin. Dahil alam ko ang kahinaan mo. Alam ko ang mga kinatatakutan mo. Alam ko rin ang pangarap at kagustuhan mong maging sa hinaharap, kaya mas pinahihirapan kitang matupad ang mga ito."
Kinakausap niya ako. Ibinaba ko ang aking kamay at napansin kong umiitim ang kulay ng mata nito.
" Ako ang takot mo, ako ang pangamba mo. Pina-iiyak kita at palihim na sinasaktan. Ako ang parating nasa tabi mo. Oo, ako ang nasa tabi mo nung ibinanduna ka ng lahat. Nung pinalayas ka ng pamilya mo, nung oras na itinaboy ka ng iyong kasintahan, nung bumagsak ang grado mo na naging dahilan ng hindi mo paggraduate, at nung pinahiya ka ng kaklase mo dahil sa pagiging dalagang ina. Kaibigan mo ako at kaaway. Hindi mo ako matatakasan. Sasamahan kita hanggang sa araw na ikaw naman ang sumama sakin."
"Sumama ka sakin!"
"Sumama ka sakin!"
"Sumama ka sakin!"
Paulit-ulit na umalingawngaw ang huling salita niya. Parang ilog, napakaitim na ilog na puno ng sekreto, pagkakanulo, at ang pinakamalala sa lahat, kamatayan. Nilipad ng hangin ang aking buhok at ibinuga ko ang aking huling hininga. Nahulog ako sa ilog at nagdilim ang lahat.
----------------------
(This is how depression kills. Guys, please beware. If any of your friends or family member are suffering because of depression, please talk to them. This is the right time to let them feel that they are not alone and someone is there for them. Your presence and support can help them survive and get through.)
[Ps.]Hindi po lahat ng istoryang katatakutan ay dapat may involved na multo o other paranormal beings. Open up your minds people!
-Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...