"Pwede mo bang tingnan ang ilalim ng kama ko?" Mahinang sambit ni Rovy. Nanghihina na siya dahil sa sunod-sunod na session ng gamutan para sa sakit nito. Nakasanayan na niyang sinsabi iyan mula ng ma-confine siya sa hospital, naniniwala talaga siyang may nakatago sa ilalim ng kaniyang kama na lalong nagpapalubha sa kaniyang sakit.
Tatlong buwang gamutan pero hindi pa rin siya gumagaling o kahit umayos man lang ng kunti. Alam ko namang hindi patas ang buhay ngunit si Rovy ay anim na taong gulang pa lamang. Walang bata ang dapat makaranas ng lahat ng dinanas niya.
Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo. "Walang halimaw sa ilalim ng kama mo, magpahinga ka na. Kailangan mo ng lakas para sa test mo bukas" Nginitian lang akong bata at pumikit na upang matulog. Ang tibay ng kalooban ng batang ito ang nagpapabilib sa akin ng sobra. Makakayanan niya hanggang sa huli.
Ngunit mali pala ako. Nawalan ng buhay si Rovy ng gabi ding iyon. Nakatulog ako sa tabi niya at ang susunod ko na lang na nalaman ay pilit na siyang nirerevive ng doktor. Pinigilan ako ng nurse na malapitan ang katawan ni Rovy.
Nang hinila na ako ng nurse palabas ng operating room ay dun ko napansin ang isang tubo sa ilalim ng kama ni Rovy mukhang hindi naman iyon wiring dahil mukhang maliit na tubo ito na nakabaon sa sahig ng kwarto.
Iyan lang yung naalala ko dahil napakaraming kakaibang nangyari ng gabing iyon. Ang katawan ni Rovy ay 'nawala' ng papunta na ito sa funeral homes. Ang sabi ng morgue ay wala namang naging problema sa paghatid pero ang bangkay ay nawala.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang mahanap ang bangkay ni Rovy. Ang sabi ng nurse ay may naganap na nakawan sa third floor ng hospital na siyang konektado sa pagkawala ni Rovy.
Hahanapin ko siya.
Kahit lamang mabigyan ng disenteng libing...
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Terror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...