Sakay

822 20 6
                                    

Nadestino ako sa Iloilo dahil sa trabaho ko at napagdesisiyonan kong rumenta ng apartment at sa mabuting palad ay naging ka board mate ko ang dalawa  kong katrabaho. Dalawa silang babae at naging close kami kaagad kasi halos pareho ang mga hilig namin. Hanggang sa isang araw ay napagkasunduan naming mag-girls night dahil na promote ang isa kong kaibingang babae. Nagyaya sila sa pinaka-sikat na bar dun sa Iloilo at ayun nag-inuman nga kami hanggang sa halos malasing na ang celebrant. Nag-aya na akong umuwi dahil mag-hahating gabi na at mahirap maghanap ng pwedeng masakyan. Sumang-ayon din naman ang dalawa sa suhestiyon ko.

Nag-antay kami ng taxi sa sakayan ngunit halos wala ng dumadaan na Jeep papunta sa apartment namin. Nag-iisip pa ako kung anong pwedeng gawin ng biglang may bumusina na isang dilaw na taxi. Ngumiti sakin ang driver ng ibaba nito ang bintana ng sasakyan at nagtanong kung sasakay ba kami at kung saan magiliw akong ngumiti at sinagot ang tanong niya. Pinasakay niya ako at ang mga kasama ko.

Naaliw ako kay manong dahil para biro siya at magaling magsalita ng tagalog at parang may Hiligaynon accent. Magaling siyang mag joke at tawa naman ako ng tawa nakakaaliw talaga si manong. Ngunit nagtaka ako kung bakit walang imik ang dalawa kong kasama at mukhang namumutla at pinagpapawisan. Mas nagulat ako ng bigla nilang pahintuin ang taxi at dali-daling bumaba. Napakunot na lang ang noo ko at sinundan sila pagkatapos bumaba at bayaran si manong.

Napalinga-linga ako sa paligid at napagtantong sobrang layo pa namin sa building ng apartment na inuupahan namin. Nilapitan ko ang isa kong kaibigan na namumutla at nakasadal sa pader. Tinanong ko kung ano ba ang nagyari takot ang mga matang sinagot niya ako. Narinig daw nilang dalawa ang boses ng isang babaeng humihingi ng tulong at umiiyak sa loob ng compartment ng taxi.

Nagsitaasan ang balahibo ko sabay linggon sa papaalis na dilaw na taxi.

                          End...

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon