Ang Butas sa Basement

756 21 8
                                    

Ang ingay na talaga di' ko na kaya. Halos hindi nako makatulog tuwing gabi dahil sa ingay na nanggagaling sa basement sa baba. Mga ingay na di' ko alam kung saan nagmumula at kung saan nanggagaling. Minsan mga kalabog at mga hagikgik ang gumigising sa mahimbing kong tulog. Sabi ng dating may-ari ng bahay ay hayaan ko lang daw ang mga tunog dahil mawawala rin ito.

Ngunit di' ko na matagalan ang mga ingay. Dali-daling tumayo ako sa pagkakahiga at binuksan ang ilaw sabay kuha ng flashlight sa drawer. Ngayong gabi aalamin ko kung saan nagmumula ang ingay at papatigilin ko ito.

Nang nasa hagdan na ako pababa sa basement ay lalong lumalakas ang ingay. May naririnig akong iyak ng bata, kalabog ng dingding, at tunog ng drill ng screw. Kumunot   ang noo ko dahil sa pagtataka kung bakit may umiiyak na bata, may kumakalabog sa dingding at drill? Eh halos hating gabi na. Nasa harap na ako ngayon ng pinto ng basement, humihina nang humihina na ang ingay. Pinihit ko ang siradura at nakakabinging katahimikan ang bumungad sa akin. Wala na ang kalabog. Wala na ang mga iyak. Biglang nawala ang ingay na naririnig ko kanina. Katahimikan ang namamayani sa kwarto ng basement.

Naglakad-lakad ako sa madilim na basement na yun. Ginamit ko ang flashlight para makita ko ang aking dinaraanan.

Nang nasa dulo na ako ng basement ay dingding na lang ang kita. Iginala ko sa paligid ang  sinag ng flashlight para hanapin ang pwedeng pagmulan ng di' maipaliwanag na ingay. Wala akong makita kundi puting dingding at mga sapot ng gagamba. Wala naman pala eh baka guni-guni ko lang talaga yun o baka sa kapit-bahay yun nanggagaling.

Akmang tatalikod na ako at aalis palabas ay biglang narinig ko ang tunog na parang nag-crack o nabaling kahoy. Nilingon ko muli ang dingding at laking gulat ko ng makita ko ang isang butas. Pabilog ang hugis nito at mukhang dalawang daliri ko lang ang kasya pagsusukatin ko.

Laking gulat ko nang biglang bumalik ang ingay at nagmumula ito sa Butas!
Animo'y may gustong kumawala sa kabilang panig ng dingding at kinakalabog ito para masira.

Dahil sa kuryusidad ay itinutok sa lumitaw na butas ang sinag ng flashlight. Madilim ang loob ng butas kahit na sinanagan ko na ito ng ilaw ng flashlight.

Lalo akong nagtaka at sinipat ito gamit ang sarili kong mata. Inilapat ko ito sa butas at sinilip ko kung ano ba ang nasa loob na gumagawa ng ingay. Pero laking gulat ko ng biglang may tumusok sa mga mata ko at nagdulot ng napakasakit na sensasyon sa aking katawan. Tunog ng cement drill ang aking naririnig at ito rin mismong bagay na tumutusok sa akin.

"AAAAAAHHHHHH!!!"

Malakas kong sigaw habang pinipilit na makawala ngunit hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil sa isang pwersa na tumutulak sa akin sa kahoy na pader. Lalong bumaon ang drill sa mga mata ko kasabay nitong dumaloy ang dugo na nagmumula sa aking mata.

"Tulungan niyo ako!!!"

Pinilit kong igalaw ang mga kamay ko para pigilan ang drill sa pagtusok sa mata ko ngunit pati ang kamay ko ay natusok rin sa gitna. Nagpalapas ako ng isang malakas na sigaw dahil sa sakit na dulot nito. Ginamit ko ang isa ko pang kamay para suntukin ang pader at nabutas ito at na trap sa loob ang aking kamao.Patuloy pa rin sa paggalaw ang drill at dumadaloy na sa sahig ang dugo ko. Nanghihinang napalumpasay ako sa sahig at ang huling nakita ng isa kong mata ay ang isang batang babaeng nakatayo at mayhawak na cement drill. Nakapaskil sa labi nito ang mala-demonyong ngiti. Binunot nito ang isang kutsilyo sabay baon sa dibdib ko.

    
                        END...

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon