Nakahiga na ako sa kama, isang malalim na gabi nun nang may marinig akong malutong na tunog na nagmumula sa labas nang bintana. Animo'y tunog nang mga butong nginunguya at pinupudpod ng ngipin. Dali-daling tumayo ako at naglakad palapit sa bintana, ngunit wala akong nakita nang aking tingnan.
Walang kahit katiting na buto o hayop akong mahagilap hanggang sa dulo nang kalye na naiilawan ng isang street light. Napasimangot na lang ako at naglakad pabalik sa kama. Nahiga na lang ako at nagtalukbong ng kumot.
Ngunit bigla nalang pumasok sa isip ko ang isang nilalang at kung ano ang ginagawa nito. Mapulang mga mata na umiilaw sa dilim, mahaba at matutulis na kuko, mabalahibo ang buong katawan, ang ilong ay parang katulad sa unggoy, at mahahaba at matutulis na mga ngipin - perpekto pangnguya ng buto. Pinulot nito ang huling buto na nasa lupa para nguyain,kagatin,at pudpurin nang pino gamit ang ngipin nito,nang maubos na nito ang huling buto na nakalatag sa lupa ay tumayo ito. Naglakad sa kalye kung saan iisa lang ang street light na umiilaw. Naglakad ito papalapit sa pinakamalayong bahay na malayong maabot nang sinag ng street light.
Iniisip nito ang susunod na bibiktimahin naamoy niya ang takot nito habang nag-iisip. Lalo itong ginanahan dahil sa takot na nadarama ng biktima nito.
Lumuhod ang mabalahibong nilalang at hinay-hinay na tinatanggal ang kumot ng kanyang biktima.
Bigla na lamang akong nakaramdam ng ginaw dahil nahulog ang aking kumot sa ilalim nang kama. Dali-daling bumalikwas ako at kinapa ang kumot na nahulog.Ngunit natulos ako nang maaninag ko ang isang maiitim at mabalahibong nilalang na may mapupulang mata, sa gilid nang aking silid.
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...