Kinatay Ko!

167 3 2
                                    

"KINATAY KO!"

Pagmamalaking saad ni Nestor sa akin ng hapon na iyon habang nasa tapat kami ng tindahan ni Aling Pasing.

Tuloy lang ako sa pagsipsip sa hawak kong plastic na naglalaman ng binili kong softdrink habang sa kaliwang kamay naman ay hawak ko ang nangangalahati ko ng tinapay. Katatapos lang ng trabaho ko noon sa pagkukumpuni sa nasirang lababo sa bahay ni Aling Stella na kapitbahay din namin.

Kasalukuyan niyang kinukwento sa kung papaano niya kinatay ang isang aso kagabi.

Tila agad niyang napukaw ang atensyon ko ng mga sandaling iyon.

"Grabe pare, ang saya pala kumatay ng aso. Pinukpok ko ng tubo 'yong likod ng ulo niya dahilan para hindi na ito makapanlaban. Matapos noon, gamit ko ang naitabi kong lubid na nasa kusina at ginamit ito para ibitin iyong aso ng patiwarik. Lumalaban pa nga ito at nagpupumiglas dahilan para kunin ko 'yong kutsilyo sa kusina at inundayan ito ng saksak sa may sikmura"

Tuloy lamang siya sa pagkukwento. Habang ang mga tao sa paligid namin ay tila walang pakealam sa pinag-uusapan naming dalawa.

"Winakwak ko 'yong sikmura at hinimay ang mga lamang loob nito. Tinanggal ko lahat ng laman loob nito at nilagay ko sa may balde. Pagkatapos noon ay itinahi ko ulit ang tiyan ng aso. Lulutuin ko iyon mamaya, sabi nga nila diba, masarap daw kumain ng aso"

Matapos ang pagkekwento niya, nakikita ko na lang ang sarili kong papunta sa police station namin.

Magkadikit lang naman ang bahay namin ni Nestor.

At base sa narinig ko kagabi. Hindi boses ng nasasaktang aso ang narinig ko kundi iyak ng isang bata.

Naalala ko, ang tanging kasama lang naman sa bahay ni Nestor ay ang anim na taong gulang niyang anak.

End.

Crttro: KC

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon