Mga Mata ng Anino

1.1K 26 26
                                    

Naramdaman mo na ba yung feeling na may nakatingin sayo?
O di' kaya'y may naramdaman kang may nakatayo sa likuran mo? Pero kapag nilingon mo ay wala naman.

Nandito ako ngayon upang sabihin sa inyo ang katotohanan. Na kung ano nga ba ang nasa likod ng mga anino.
Ano nga ba ang nakatitig sayo at hindi mo naman makita pero nararamdam mo ang mga mata nito sa iyo. Nararamdam mo ang mga titig nito minamatyagan ang bawat galaw mo at sinusundan ka kahit saan ka pumunta.

Nakita ko na sila...
Nakita ko na ang mga nilalang na ito. Kilala sila sa tawag na Anino o Shadow People sa kanilang demensyon. Minamatyagan nila ang bawat kilos mo. Nandyan sila upang siguraduhing buhay ang dapat mabuhay at siguraduhing patay ang dapat mamatay.

Nang una kong makita ang Aninong ito ay natakot ako at nalito. Hindi pa ako patay at hindi dapat. Pero malinaw kong naaninag ito. Ang mga ngipin nitong matulis,matalim- katulad nang pinakamatalim na kutsilyo sa mundo. Umatras ako at lumapit naman ito. Mukhang nalilito rin ito tulad ko. Mas nanaig ang takot sa sistema ko at kumaripas ako ng takbo - papalayo. Ngunit animo'y alam nito ang susunod kong galaw at nasusundan ako. Tumakbo ako ng tumakbo. Ngunit ganun parin alam nito ang susunod kong gagawin.

Sa wakas ay tumigil ako sa pagtakbo dahil sa pagod at napaluhod sa lupa. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko gamit ang matutulis nitong kuko at may ibinulong sa akin. Pagkatapos ay napabalikwas ako nang bangon sa kama.

©

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon