Sapi Kay Magdalena 2

87 3 0
                                    

"Diyos ko!" Bulalas ng ginang ng makita ang kalagayan ng anak.

Matinding takot ang bumalot sa kaniyang sistema. Nakakagimbal ang mukha ng kaniyang anak. Akala niya ay sa mga palabas lang sa telebisyon niya makikita ang ganun.
"Anak! Magda! Bumaba ka riyan!"

Humalakhak ng malakas si Magda. Ang mahaba nitong buhok ay lumaylay. Nabalisa sina Father Luis dahil baka mahulog ito.

"Demonyo palayain mo ang batang iyan!" Sigaw ng pari. Ibinigay ni Kael ang bibliya rito at ipinagpatuloy ang naudlot na orasyon. Halakhak lamang ang tugon ni Magda habang patuloy sa pagbabasa ng orasyon si Father Luis. Tumayo ito at naglakad sa kisame. Nagpagulong-gulong pa ito habang sumusuka ng berde.

Para itong gagamba na nakawala.

Isinalin naman ni Father Luis ang kaniyang orasyon sa salitang Ingles.

"Hear therefore and fear, O Satan, enemy of the faith, foe to the human race, producer of death, thief of life, destroyer of justice, root of evils, kindler of vices, seducer of men, betrayer of nations, inciter of envy, origin of avarice, cause of discord, procurer of sorrows. Why dost thou stand and resist, when thou knowest that Christ the Lord will destroy thy strength? Fear him who was immolated in Isaac, sold in Josepth, slain in the lamb, crucified in man, and then was triumphant over hell"

Nagulat silang lahat ng may kumalabog. Si Magda, nahulog mula sa kisame. Dali-daling dumalo ang mga apprentice niya upang akayin ito.

Binuhat ng mga ito si Magda at ibinalik sa kama nito.

Impit na umiiyak sa gilid si Aling Gina habang nakayakap sa kaniyang asawa na walang imik.

Kinuha ni Father Luis ang rosaryong suot nito at isinuot sa walang malay na si Magda. Nagusal muna ito ng kakaunting panalangin.

Pinalabas niya sila Yohan, Piolo, at Kael kasama ang mga magulang ni Magda.

"Okay na po ba siya Father?" Nag-aalalang tanong ni Aling Gina. Hindi ito mapakali dahil sa takot. Baka kung ano nang nagyari sa kaniyang anak.

"Ikinalulungkot ko pong sabihin na hindi pa maayos ang lagay ng inyong anak. May isa pa po akong orasyon na kailangan gawin at kailangan ko pong gawin iyon ng mag-isa."

Nanghihinang tumango ang ginang. Tila nawawalan na ng pag-asa.

Hawak ang isang maliit na punyal at puting panyo, muli siyang pumasok sa silid ng dalaga. Bumungad sa kaniyang nakakabinging katahimikan. Iginala ng pari ang tingin sa paligid.

Naaninag niya ang bulto ng dalaga na nakahiga sa gitna ng kama. Dahan dahan niya itong nilapitan.

Mahimbing na natutulog ito siguro ay dahil sa pagod na natamo. Kinuha ni Father Luis ang maliit na punyal at sinugatan ang kaniyang kamay.

Nang mahiwa na niya ay may mga dugong lumabas doon. Pumatak ang iilan doon sa kobre kama. Itinuon niya ang patak ng kaniyang dugo sa bibig ni Magda at hinayaang dumaloy sa labi nito ang malansang likido.
Nakakapagtaka na ang kulay ng kaniyang dugo ay nag-iiba.
Mula sa matingkad na kulay pula ay unti-unting naging kulay itim.

Nagising ang diwa ng dalaga. Nagulat siya ng makita ang isang pari sa kaniyang harapan. Hindi siya makagalaw, parang may humihila sa kaniya pahiga sa kama. Nalalasahan niya ang malansang dugo ng pari na sa kaniyang bibig. Hindi niya makontrol ang kaniyang katawan at nagawa niyang sipsipin ang dugo nito.

Ang mukha ng pari kanina ay unti-unting napalitan. Isa na itong malaking pulang tao na may dalawang mahahabang sungay at matutulis na pangil.

Bigla niyang naalala ang nakakatakot na nilalang na dumadalaw sa kaniyang panaginip. Ito iyon!

"Uminom ka aking alagad!" Sigaw nito ng nagpumiglas siya.

Lalong nakikabutan si Magda ng maaninag ang mga pulang mata sa kaniyang madilim na kwarto. Bumabaga ang mga ito at napakarami.

Gusto niyang sumigaw at humingi ng tulong sa kaniyang mga magulang pero nanghihina siya. Hindi makagalaw pa.

Ang mukha ng maamong pari ay napalitan ng mukha ng isang demonyo. Sinong mag-aakala na ang alagad ng diyos ay nagapi ng demonyo. Ang suwail na sugo ay nakapasok na.

Nagsalita pa ito sa wikang latin na hindi niya maintindihan.

Samantala...

"Uminom muna kayo ng mainit na kape." Anyaya ni Aling Gina sa mga kasama ni Father Luis. Nakangiting tinanggap ng mga ito kapeng inihandog ng matandang ginang.

"Salamat po." Sagot ni Piolo.

"Nawa'y magtagumpay si Father sa pagpapaalis ng demonyo na sumapi sa anak ko." Bakas ang pag-aalala sa boses ng ginang.

"H'wag po kayong mag-alala ma'am. Magaling po si Father Luis. Matagal na po siyang nang-eexorcist." Magalang na sagot naman ni Yohan.

Ngumiti ang ginang at tinanaw ang dilaw na pintuan ng silid ng kaniyang anak.

Habang may nakatagong ngisi naman sa likod ng maamong mukha ng tatlong apprentice.

End

(Pasensya na kung pangit ang pagkakasulat ko.😅 Babawi ako next time.)

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon