Babysitter

741 22 5
                                    

"Magandang Araw ho" Nakangiting bati ko sa matandang babaeng nagbukas ng pintuan.

"Magandang Araw rin iha, ikaw ba si Paulita?" Mahinang sambit ng babae.

"Ako nga ho, Paulita Reyes po ang buo kong pangalan" sagot ko sakanya.

"Ako nga pala si Merlita Agoncillo. Sige pasok ka." Niluwagan niya ang siwang ng pintuan para makapasok ako. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuhan ng bahay ng nakapasok na ako. Walang halos gamit ang bahay niya at napakaluwag.

"Napakaluwag po ng bahay niyo Ma'am Merlita" puna ko.

"Oo, ito kasi ang kagustuhan ng namayapa ko nang asawa." Tugon niya at naunang naglakad. Tinahak namin ang isang hallway na puno ng mga nakasabit na maskarang mukha ng tao. Kinilabutan ako dahil sa mga itsura nito na animo'y dumaan sa isang kahindik-hindik na pangyayari. May mga lumuluwa ang mata, butas ang pisngi , at parang tinahi ang bibig.

"Ma'am Merlita?" Tawag ko sa kanya. Tumigil din naman siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"Ano iyon Paulita?" Tanong niya.

"Ang mga maskara po, saan po yan galing?" Sambit ko. Bumantay sa mukha niya ang pangungulila bago ako tugunin.

"Gawa iyan ng namayapa kong mister. Mahilig kasi siyang gumawa at mangolekta ng maskara. Nami-miss ko na siya eh pero kapag nangungulila ako ay tinitingnan ko lang ang mga maskarang ito at napapawi rin iyon kaagad" Napansin ko ang pagkawala ng butil ng luha mula sa mga mata niya. Nataranta naman ako dahil dun.

"Pasensya na po Ma'am Merlita. Saan na po pala ang batang ibibabysit ko?" Paglilihis ko ng usapan.

"Ahh. Si Jerry, apo ko siya anak siya ng babae kong anak si Loli. Ewan ko kung nasaan na ang anak kong yun dahil naglayas siya pagkatapos ipanganak si Baby Jerry. Ang ama ni Baby Jerry naman ay hindi na rin mahagilap sa kung saan kaya dito na saa kin naiwan ang bata. Halika dadalhin na kita sa nursery at ng maumpisahan mo ng magtrabaho." Sambit niya bago lumakad muli.

Sumunod naman ako sa kanya. Bumungad sa akin ang isang blue na pintuan at nakapaskil ang salitang nursery.
Ito na siguro ang kwarto ni Baby Jerry- ang batang ibi-babysit ko.
Binuksan ni Ma'am Merlita ang pintuan at nakita ko kaagad ang isang baby crib. Nilapitan ko ito at sinilip. Bumulaga sa akin ang nakangiting bata.

"Siya si Baby Jerry, ang apo ko. Ikaw na ang bahala muna sa kanya dahil aalis ako. May importanteng lakad kasi ako ngayon at bawal ang mga bata doon. Oh siya, maiwan na kita." Naglakad na siya palabas sa kwarto at naiiwan kami ng bata.
Inumpisahan ko ng aliwin si Baby Jerry.

Panay naman ang hagikgik ng batang ito. Sino naman kaya ang mag-iiwan sa batang ganito ka cute. Siguro ang ganda ng nanay nito.

"Nasaan si Baby...." Tinakpan ko ang mga mata ko. "Bulaga!" Sabay bukas nito at napapahagikhik naman siya.

"Nasaan si Baby...Bulaga!"

Ngunit ng buksan ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang isang nilalang na may mahahabang pangil. Napaatras ako dahil sa nakakatakot nitong anyo. Binalak nitong dakpin ako gamit ang mga matutulis at matatalim na kuko niya ngunit di' siya nagtagumpay. Dali-daling tumakbo ako palabas ng nursery room. Nakita ko sa di' kalayuan si Ma'am Merlita ngunit tinatakpan nito ang mukha niya.

" Ma'am Merlita! Tulong po! Tulong! Si Baby Jerry!" Malakas na sigaw ko para makuha ko ang pansin niya. Dahan-dahang humarap sa aking ang mukha ni Ma'am Merlita ngunit nagimbal ako ng makitang may mahahabang pangil din siya.

Akmang tatakbo ako sa kabilang direksyon ng may pumalo sa aking likuran at nawalan ako ng malay. Iminulat ko ang aking mga mata at balak kong ilibot sa paligid ang aking paningin ngunit hindi ko maigalaw ang mga ito. Binalak ko ring ibuka ang bibig ko ngunit animo'y tinahi ito para hindi ako makasigaw.

Pinakiramdaman ko ang paligid at nararamdam ko hindi ako makagalaw dahil sa paninigas. Isinemento nila ako sa dingding!
Mukha ko lang ang nakalitaw at pininturahan nila ito. Tinahi rin nila ang mga labi ko para hindi ako makasigaw. Ginamit ko ang aking pandinig at sa di' kalayuan ay nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan at kasunod nito ay may nagsalita.

"Ikaw ba si Lelia ang bagong Babysitter ng apo ko?"

End...

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon