Nakaupo si Mellisa malapit sa bintana ng may marinig siyang parang umiiyak. Dumungaw siya doon at nakita ang isang batang babae. Nakayuko ito at umaatungal. Parang nasa pitong taong gulang pa lamang ito.
Nagkumahog siyang lumabas para daluhan ito. Nilapitan niya ito at tinanong kung anong problema.
"Ate, nagugutom ako." Itinuro nito ang tiyan.
Naawa si Mellisa sa bata. Pumasok siya sa bahay nila ay kumuha ng tinapay at juice.
"Anong pangalan mo?" tanong niya rito.
"Ako po si Candy." Masayang nilantakan ng bata ang pagkain. Ang sabi nito ay nasa kabilang kanto lang ang kanilang bahay. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ang bata na uuwi.
Siya naman ay pumasok na muli sa bahay nila para magluto ng hapunan.
Kinaumagahn nun, nasa tapat ng bahay niya si Candy at naglalaro. Lumabas siya para batiin ang bata.
"Ate, bukas po aalis si Mama. Pwede po ba ako rito sa inyo kahit hanggang alas syete lang? May pupuntahan lang po siya at babalik din kaagad."
Pumayag naman si Mellisa dahil matagal na mula ng may maka-bonding siyang bata. Ang mga anak ng pinsan niya kasi ay minsan na lang dumadalaw.
Masayang-masaya si Candy dahil sa pagpayag niya. Mabilis itong umalis para ibalita sa nanay nito ang pagpayag ni Mellisa.
Sinabihan ni Mellisa ang tatay niya tungkol sa pag-aalaga muna kay Candy. Pumayag naman ang tatay niya. Ang sabi nito ay baka bagong lipat ang pamilya nila Candy dito.
Aalis din kasi ang mga magulang niya para magtrabaho kaya maiiwan siyang mag-isa kasama si Candy. Mabuti na iyon para hindi siya mabagot.
Ng sumunod na araw ay maagang kumatok si Candy sa bahay nila. Dala nito ang mga laruang manika at isang bag na barbie.
Pinaglutuan niya ito ng pagkain at naglaro sila. Nawili siyang kasama ito at hindi niya namalayan ang oras. Ang sabi ni Candy sa kaniya ay may sorpresa daw ito.
Natuwa siya sa kakulitan ni Candy kaya sinunod niya ang sinabi nitong magkulong muna siya sa kwarto para maayos nito ang kaniyang surpresa.
Nakaupo siya sa kama ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Bago pa siya bumati ay nagsalita na ito.
"Mellisa! Anak! Umalis na ka na ng bahay ngayon din! Nakita kong ibinalita sa telebisyon ngayon-ngayon lang ang tungkol sa serial killer na nagngangalang Candy. Labing-walong taong gulang na ito at nakatakas sa asylum. Naglalagay siya ng make-up sa mukha para magmukha siyang pitong taong gulang."
"Nililinlang niya ang kaniyang biktima para alagaan siya. Pinapatay niya ang mga ito at kinakain. Anak! Umalis kana dyan!"
Nabitawan ni Mellisa ang cellphone. Nagmadali siyang bumaba para hanapin si Candy at nakita niya itong nakatayo sa pintuan ng kusina. Hindi siyan naniniwala sa sinabi ng kaniyang ama.
"Ate... nagugutom ako." Naawa siya sa mukha ng bata na parang iiyak na. Binuhat niya ito at dinala sa lamesa. Naka-set na ang mga pinggan at baso doon.
Tiningan niya si Candy at nakita niyang galit ang mga mata nito.
"Narinig ko ang usapan niyo ng tatay mo." Sambit ni Candy. "Pakialamero siya!"
Itinusok ni Candy ang kanina pa lang hawak nitong kutsilyo sa kaniyang dibdib. Hindi pa nakuntento ang bata, ng matumba siya ay pinagsasaksak nito ang mukha niya.
Makalipas ang sampung minuto ay dumating ang pulisya sa bahay nila Mellisa. Natagpuan nila si Candy na nakaupo sa hapag-kainan at nilalantakan ang malamig na bangkay ni Mellisa.
©Vel_Ane
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...