Isang gabi noon, masaya akong nakaupo sa sofa kasama ang aking walong taong gulang na anak na si Marie. Nanonood ako ng telebisyon at siya naman ay nilalaro ang kaniyang manika.
Nang biglang namatay ang telebisyon, nagtaka ako. Umiilaw naman ang power button nun na nagpapakita na hindi namatay ang telebisyon at nag black out lang. Lalapitan ko na sana at titingnan kung ano ang sira pero bigla naman itong umilaw.
Napabalik ako sa pagkakaupo. Hindi kalaunan ay kumisap ang telebisyon at may lumabas na babaeng nakapula. May hawak itong placard na may nakasulat na mga letra na kulay pula ang ginamit.
Special Announcement:
'Mga magulang pinapayuhan kayong patulugin na ang inyong mga anak, ngayon din.'
Nag alala ako at medyo kinabahan. Nilapitan ko si Marie at sinabihang matulog na siya. Noong una ay ayaw pa niya dahil wala namang pasok sa susunod na araw dahil sabado pero pinilit ko pa din siya. Nang hindi pa siya sumunod ay binuhat ko siya at inakyat sa kaniyang silid.
Pinahiga ko na siya at kinumutan.
Bumaba ako at muling tumunghay sa telebisyon para sa dagdag na impormasyon. Nakatayo lang ang babae sa telebisyon at may hawak na bagong placard.
'Maghintay...'
Wala sa sariling napaupo ako sa sofa at tumungango sa telebisyon para maghintay. Makalipas ang limang minuto ay wala parin. Nakaramdam ako ng pagkainip.
Nakatayo lang doon ang babae. Hindi kumukurap. Hindi rin ngumingiti. Nakatitig lang ito sa camera.
Biglang nagblack out ang t.v. at umilaw din kaagad. Nakatayo pa rin sa gitna ang babaeng nakapula pero iba na ang nakasulat sa hawak nito.
Napaliit nito kaya napilitan akong lumapit sa telebisyon para makita ang nakasulat.
'Maraming salamat sa paghihintay, patay na ang anak mo.'
Nagimbala ako sa nabasa. Nagmadali akong umakyat papunta sa silid ng anak ko. Pagkabukas ko ng pinto ay ini-on ko ang ilaw.
Napabuga ako ng hangin ng makita si Marie na mahimbing na natutulog. Nakatakip pa rin sa kaniya ang kumot na nilagay ko.
Napatitig ako sa nahimbing na si Marie. Bat parang may mali? Ang kumot niya ay hindi manlang gumagalaw. At parang hindi na siya humihinga?
Nilapitan ko ang kama at dahan dahang tinanggal ang kumot. Napasigaw ako sa takot.
Nakahiga sa unan ang pugot na ulo ni Marie. Ang kaniyang katawan ay hindi ko alam kung nasaan. Napaluhod ako sa tabi kama at napasabunot sa sarili.
Kinaumagahan,ibinalita na mahigit 500 na bata ang namatay. Hindi matuntun ng pulisya kung saan nagmula ang nakapangingilabotna television broadcast na iyon at maging ang babaeng nakapula sa hindinakilala.
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...