Natatandaan ko ba noong unang dumating siya sa buhay namin. Tinawag ako ni Papa at pinababa sa sala namin. Akala ko ay tinawag niya ko dahil kakain na kami ng hapunan. Nadatnan ko si Papa na naghihintay sa akin sa huling baitang ng hagdan. Nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa braso at hinarap sa kaniya. Mukhang takot na takot siya at hindi mapakali.
"Anak makinig ka sakin" sambit niya. 'Di ko alam kung bakit biglang lumakas yung tibok ng puso ko. "Kahit na anong mangyari saakin ka lang titingin ha. M-meron kang makikitang... iba sa bahay natin. Pero wag na wag mo siyang pansinin."
Muntikan na kong matawa. Anong in-expect mo sa dose anyos na bata? Unti-unting pumapasok sa akin ang sinabi ni Papa. Baka kasi nagbibiro lang siya. Bago pa ako makasagot ay nagsalita ulit si Papa.
"Marami siyang ibubulong sayo at susundan ka kahit saan ka magpunta. Magiging mahirap iyon anak pero magtiwala ka malalampasan din natin ito. Basta't wag mo siyang kakausapin o papansinin. Higit sa lahat ay huwag na huwag mo siyang isipin. Mangako ka sakin."
Maraming katanungan ang umuugong sa mura kong isipan. Natatakot ako at nagbabahala sa isasagot ni Papa kapag tinanong ko siya. Tumango na lamang ako. "Opo Papa" ang tanging naisagot ko sakaniya.
"Mabuti, sige bumaba na tayo at naghihintay ang Mama mo sa kusina. Bilisan natin. Alam kong lumakas 'sya' dahil sa pagsambit ko nito sa iyo pero hindi ko kayang mawala ka dahil lang sa aksidenteng pagsulyap sa kaniya. Magtiwala ka sakin anak."
Ginawa ko ang sinabi niya saakin. Hinay-hinay kaming pumasok sa kusina. Ang mga mata ko ay nakatuon lang kay Papa habang siya ay naglalakad ng nakayuko. Naramdaman ko ang kakaibang lamig ng papalapit na kami sa mesa. Muntikan na akong masuka ng maamoy ko ang nakakasulasok na amoy. Naalala ko ang amoy ng patay na daga na naipit sa drawer namin noon.
Sabay kaming naupo ni Papa. Magkaharap kami ng nakababata kong kapatid. Ang mga mata niya ay nakatuon sa pinggang walang laman na nasa harapan niya. Nilapag ni Mama ang kanin sa mesa. Mugto ang mga mata niya at mukhang kagagaling lang sa pag-iyak. Itinuon ko lang ang aking pansin sa pagkain na nasa hapag namin.
Ngunit nahagip ng aking paningin ang bulto ng isang nilalang. Malabo ito at hindi ko makita ng maayos. Basta't maitim ito, may mahabang buhok, at may napaka-putlang balat. Parang hinihigop nito ang dating saya at tuwang bumabalot noon sa tuwing kami ay kakain.
Nagulat ako ng sipain ng kapatid ko ang aking paa na nasa ilalim ng mesa. Sabay bulong "Nakikita mo din ba siya kuya?"
Tumango ako.
"TAHIMIK!" Singhal sa amin ni Papa.
Lumapit ang babae. Dinig sa buong kusina ang langingit ng bawat hakbang nito. Nakakasuka ang amoy mula sa kaniya. Tumigil ito sa tabi ng kapatid ko. Gahibla lamang ang layo nito sa mukha niya. Dahan-dahang nilagay ng babae ang kamay nito sa balikat ng aking kapatid. Nakita kong nanginig siya sa takot pero ang mga mata ay nakatitig sa akin. Mabilis kong niyuko ang ulo.
Inihain ni Mama ang aming hapunan na para bang walang kakaibang nangyayari. Nakita kong hinawakan ni Papa ang kamay ng kapatid ko. Para pigilin ito sa isang maling galaw na maari nitong ikapahamak.
Naging ganito ang gawi namin sa buong buwan-- gawin ang aming makakaya na mamuhay ng 'normal' sa kabila ng panganagambala ng hindi inaasahang panauhin. Kahit na umalis kami ng bahay ay nakasunod pa rin ito. Minsan ay makikita namin siya sa tabi ng daan habang pauwi na kami.
Simula din noon ay ni minsan ay hindi na nag-imbita si Papa ng panauhin sa aming tahanan at hindi niya rin kami pinayagang tumira muna sa aming tiyahin. Kaya namin siyang pag-usapan na nagbubulungan lamang kapag malayo ang babae. Ipinangako namin kay Papa na hindi namin ipagsasabi ang tungkol sa babae.
Yun lamang daw ang tanging paraan upang ma-quarantine siya, ang demonyong hangol sa atensyon. Napag-alaman din naming marami nang bahay ang kaniyang naperwisyo. Walang nakakakita sa kaniya sa labas ng bahay maliban lamang kung malaman din nila ang tungkol sa babae.
Nakaraan ang isang taon bago ko malamang si Papa ang ahilan kung bakit napadpad siya sa bahay. Ang aking tiyahin, na kapatid ni Papa ay siyang unang naging biktima nito. Nasundan pa ng isa ko pang tiyahin. Hanggang sa mapasa kay Papa ang kaalaman tungkol sa babae. Hindi niya ito nalimot kaya muling bumalik ang parasitiko at ngayon ay unti-unti nanag sumisira sa amin.
Naging mahirap ito lalong-lalo na kay Mama dahil parati siyang naiiwan sa bahay kapag umaalis kami ng aking kapatid patungong paaralan at si Papa naman ay sa kaniyang trabaho. Nagbago ang lahat isang gabi noon ng Pebrero.
Kakatapos lang naming kumain ng gabing iyon ng nagdesisyon si Mama na matulong ng maaga. Nasulyapan niyang nakaupo sa gitna ng kama ang babae. Hindi na nakayanan ni Mama. Narinig namin ang kaniyang sigaw mula sa kanilang kwarto. Pinipilit ni Mama na umalis na ang babae sa pamamahay at maging sa buhay namin.
Nakita kong mabilis na tumakbo si Papa sa karto upang pigilin si Mama. Ngunit huli na ang lahat. Wala na si Mama ng tingnan namin at mga bakas na lamang ng dugo sa puting carpet ang naiwan. Nandoon pa din ang babae pero wala si Mama.
Sa mga sumunod na linggo ay ako naman ang ginambala nito. Parating nakasunod sa akin ay ibinubulong kong nais ko bang makita ang aking ina.
Kaya niya daw ibalik si Mama sa amin basta't tumingin lang ako sa kaniya at mangtanong kung papaano. Hindi ko ginawa.
Ang totoog rason kung bakit ko sinasabi sa inyo ito ay dahil.... GUSTO KONG ISIPIN NIYO SIYA.
Nakita ko siya muli pagkatapos ng 18 taong. Hindi ko kayang isakripisyo ang buhay ng aking asawa at mga anak ko sa parasitikong iyon. Kaya't gusto kong isipin mo siya-- Ang kaniyang maiitim na buhok at maputlang balat.
Nahawaan kana at hindi magtatagal ay may mapapansin kang babae sa inyong tahanan, kailangan mong balealain siya. Para din naman ito sa ikabubuti mo.
Pasensya na...
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...