Hindi maintindihan ni Rosa ang kanyang nararamdaman. Nanlamig at parang kinikilabutan siya habang naglalakad sa kalsada ng gabing iyon. Naglalakad na lamang siya dahil hindi siya sinundo ng kanilang driver. Sa sobrang inis niya ay nilakad na lamang niya ang patungo sa bahay nila. Naiinis siya dahil sa sobra niyang paghihintay, ni hindi man lang siya sinabihan na hindi siya masusundo. Kung kaya sa sobra niyang inis ay nakaya niyang lakarin ang kalagitnaan ng gabi.
Malapit na niyang marating ang bahay nila ay napansin niyang parang mas lumala pa ang kanyang nararamdaman. Tumatayo ang kanyang mga balahibo at biglang lumakas ang hangin sa pagdaan niya sa isang malaking puno ng mangga, kung kaya'y binilisan niya ang paglakad hanggang nakarating siya sa kanilang bahay.
"Oh, bakit nagmamadali ka? At bakit ikaw lang mag-isang umuwi? Pinasundo kita sa daddy mo, nasaan na siya?" Ang tanong ng kanyang ina.
Dahil nga galit siya na hindi siya nasundo ay hindi niya pinansin ang tanog ng kanyang ina at dali-daling umakyat sa taas.
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Rosa sa kakaisip sa nangyari sa kanyang paglalakad kanina. Sa tanang buhay niya ay hindi pa naranasan ang ganoong pangyayari, ngayon lang. Napabangon siya sa kanyang pagkakahiga nang biglang may tumawag ng kanyang pangalan. Tiningnan niya ang paligid ng kanyang silid baka tinig lamang iyon ng kanyang mommy. Ngunit sa paghahanap niya ay wala siyang makita. Tumigil siya at naupo sa kanyang higaan. Tinawag na naman ulit ang kanyang pangalan ng makatatlong beses. At doon ay nagsimula na siyang kinabahan, malakas ang kaba ng kanyang dibdib at kung anu-ano na ang pumapasok sa kanyang isipan. Matagal siyang nakatulog ng gabing iyon dahil sa mga di kanais-nais niyang napapansin. Dahil sa kanyang takot ay hindi na siya nagpatay pa ng ilaw hanggang sa makatulog na.
At kinaumagahan ay matagal siyang nakagising at hindi na lamang siya pumasok sa kanyang klase dahil masyado na siyang late. Kung kaya'y nagtataka ang kanyang ina kung bakit hindi pumasok. Nagdahilan na lamang siya na masama ang kanyang pakiramdam.
Nang mga sumunod pang mga araw ay ganoon parin ang napapansin niya. Parang may palaging sumusunod sa kanya, palaging nakatingin at nagmamasid sa bawat gagawin niya. Ngunit hindi niya malaman at maintindihan kung ano ang di kanais-nais na pangyayaring iyon. At ni minsan ay hindi niya ito pinagtapat sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay mas lalo pang lumala ang kanyang nakakakilabot na nararamdamn. Hindi na niya kinaya pang itago ito sa kanyang mga magulang kaya't ipinagtapat na niya ito. Mula noon ay takot narin ang kanyang mag magulang sa maaaring mangyari sa kanilang anak.
Biyernes iyon ng gabi ng galing pa sa paaralan ay pagod na pagod si Rosa kaya maagang nagpahinga at humiga sa kanyang higaan nang biglang may narinig niya ang isang boses.
"Rosa, Rosa..." tinig na nanggagaling sa loob mismo ng kanyang silid.
Bumangon siya at tinatagan ang sarili na hindi siya matatakot. Hindi niya pinahalata na takot siya sa tinig na kanyang narinig.
"Sino yan? Anong kailangan mo sa'kin? Bakit ka nakapasok? "Takot na tanong ni Rosa sa boses.
Bigla itong nagpakita kay Rosa.
"Halika Rosa, lumapit ka. Sumama ka sa akin"
Sumigaw siya at narinig naman ito ng kanyang ina. Pagpasok ni Aling Condring sa silid ng anak ay bigla na lamang nawala ang lalaki.
"Bakit anak? Anong nangyari sayo? At bakit ka sumisigaw?"
Ang akala ni Aling Condring ay may napanaginipan lamang ng masama ang anak kaya ito napasigaw.
Pinagtapat ni Rosa ang lahat sa kanyang ina na may nagpapakita sa kanyang isang lalaki na nakasuot ng itim ngunit maamo ang mukha nito, at gusto siyang isama. Sa kwento ng anak ay natatakot si Aling Condring dahil ilang araw na palang ganito ang mga pangyayaring naganap sa kanyang anak. Malaki ang kanyang paniniwala na ang kanyang anak ay sinusundan ng isang masamang nilalang. Hinala niya na baka nagkakagusto ito sa kanyang anak dahil marami na rin siyang narinig na mga ganitong kwento. Kaya kinabukasan ay pumunta sila sa isang manggagamot para malaman kung sino ang taong may gustong kunin si Rosa. Pinatingin na rin nila ang anak dahil palagi itong nawawalan ng malay. Minsan na rin nila itong pinakunsulta sa doctor ngunit wala paring pagbabagong nagaganap. Sa pagpapatingin nila sa isang manggagamot ay hindi nga nagkamali si Aling Condring sa kanyang hinala, na ang kanyang anak ay nagustuhan ng isang masamang espiritu kaya siya gustong isama nito. At iyon nga ang hula ng isang manggagamot na may isang maitim na lalaking nagkakagusto sa kanya. Isang nilalang na tulad sa'tin.
Matagal din nilang pinagagamot si Rosa sa manggagamot ngunit pabalik-balik pa rin ito.
Isang umaga ay gumagawa si Rosa ng kanyang assignment nang biglang lumitaw ang lalaki sa kanyang harapan mismo. Gulat na gulat at takot na takot siya dahil hinawakan nito ang kanyang kamay sabay sabi na sumama na daw ito sa kanya. Doon sa kahariang sinabi niya. Nagtataka si Rosa dahil ang lalaking dati niyang nakita ay maamo ang mukha, ngunit ang nakita niya ngayon ay isang pangit at namumula ang mga mata. Parang gusto na talaga siyang dalhin ng lalaking nagkakagusto sa kanya. Naalala ni Rosa ang sinabi ng manggagamot na kapag nagpatalo siya at sumama sa lalaki ay tuluyang mamatay si Rosa, kaya pilit niyang nilabanan ang mga ginagawa ng lalaki. Nagdasal siya ng nagdasal sa mahal na Panginoon. Sa pakikipaglaban niya ay hinimatay sila.
Sa umagang iyon, nadatnan na lamang ni Aling Condring na nakahandusay sa sahig at walang malay si Rosa. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa anak.
Mula noon ay hindi parin sila tumigil sa pagpapaggamot kay Rosa. Binasbasan si Rosa sa manggagamot at patuloy parin si Rosa sa pakikipaglaban sa lalaking nagpapakita sa kanya. Wala rin silang magawa kundi ang sabayan din ng pagdarasal na sanay lubayan na si Rosa at huwag nang gambalain pa.
'Di nagtagal, dininig naman ang diyos ang dasal niya. Hindi na muling nagpakita ang lalaki at si Rosa ay namumuhay na ulit ng normal tulad ng dati.
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...