Case 02002MC

374 17 0
                                    

Ang kaso na ito ay pinatunayan ni Remy Lista, 41 anyos. Nakita niya raw ang dalawang kalalakihan sa kanto sa Igbalo-go sa may sapa na pinagpuputol-putol ang katawan ng isang lalaki. Ayon sa kaniyang pagsasalaysay nakita niya ang dalawang lalaki na ibinitin ang walang buhay na katawan ng isang lalaki at pinutol ito sa dalawa. Itinapon ng dalawa ang katawan ng lalaki sa may sapa.

Nagpadala ng isang grupo ng pulis upang maghanap sa diumanong tinapon na katawan ng lalaki ngunit walang katawan na nakita sa lugar na itinuro ng witness.

Hindi niya nakilala ang mukha ng dalawang salarin at ang kaso ay nanatiling hindi nalulutas. Kaya't isinagawa muli ang imbestigasyon isang taon ang makalipas upang makakalap ng mas maraming impormasyon.

Ang sabi ng witness ay nakita niya ang biktimang nag-iba ang anyo at naging isang malaking maitim na baboy. Nabanggit din niyang sinakal ng biktima ang isa sa mga salarin bago nanlaban ang mga ito at pinutol ang katawan ng biktima.

Naghintay pa daw niyang umalis ang dalawang salarin bago nilapitan ang katawan ng biktima. Nagulat siya dahil gumagalaw ang mag-isa ang mga binti nito. Kumaripas siya ng takbo palayo pero nahagip ng kaniyang paningin ang pag-ahon ng kalahati ng katawan ng lalaki mula sa sapa. Papalapit ito sa kalahati niya.

Umiiyak ang witness nang panayamin ito. Nagsusumamo ito sa pulisya na huwag nang hanapin ang mga salarin. Sabi niya, ipinagtanggol lamang ng mga ito ang kanilang buhay mula sa pag-atake ng aswang. Sabi rin niya na kung sanay may dala lamang siyang asin ay bubudburan niya ang kaahati ng katawan nito upang hindi na muli mabuo.

Hindi na nagpaunlak ng isa pang interview ang witness at ang kaso ay nanatiling hindi nalulutas hanggang sa mga araw na ito.

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon