Paalala: Ang sumusunod na nakasulat ay basahin ng malakas. Ito ay isang lumang nursery rhyme mula sa panahon ni King Charles. Intindihin ng mabuti ang nilalaman ng nasabing akda sapagkat malalaman mo ang iyong kapalaran sa susunod na mga araw. Ito ay nakasulat sa salitang Ingles.
There was a crooked man who walked a crooked mile And he found a crooked sixpence against a crooked stile. He bought a crooked cat who caught a crooked mouse And they all lived together on a crooked little house.
But the crooked man was sad and once he had thought. Why should he be crooked, when others, they were not? Everything was worthless, heaved a great big sigh And he went and found a rope and tied it to the sky.
Upon a chair, he stood, his eyes were blank and dead. Without another thought, he went and hung his head. Now the story is not yet over, for this tale is mythed and old, Go hide under the covers... There's something not yet told.
There was once a crooked man, who had a crooked smile. And if you've lived his life, he'll send you a trial. He lives for your torment, makes it full of strife, And he won't be contented... Until you take your life.
P.S. Meron isang urban legend tungkol sa The Crooked Man. Sabi nila, kapag binasa mo ng malakas ang nasabing tula ay tinatawag mo ang masamang espirito o ang demonyo ng Crooked Man. Kapag nabigkas mo ito ng malakas, lahat ng tao sa inyong tahanan ay isinumpang masasawi sa kamay ng Crooked Man.
Noong 1880's, may isang manunulat na ay naghahanap ng mga akda tungkol sa mga folklore at legends ng iba't ibang bansa. May napansin siyang iilang linya mula sa mga iba't ibang akda sa magkakaibang panig ng mundo. Pare-pareho ang mga ito ngunit nakasulat sa iba't ibang lengguwahe at iisa lang ang tinutukoy ng mga ito ang "Crooked Man". Isipin mo ang isang parusang kamatayan na kahit sinong mortal sa mundo ay hindi matatakasan, walang batas na makakapigil, panghabang-buhay, isang pwersang napakalakas na magdadala ng kamatayan sa kung sino man ang tumawag.
Maari itong tawagin sa pamamagitan ng isang orasyon o sumpa. Ang mga salita ay isinalin salin sa iba't ibang salita sa pagdaan ng panahon, nagbabago din ito. Sa paglipas ng mga taon ay pinag-aralan ito at pinilit na intindihin. Hanggang sa naging parte ito ng kultura at ginawang nursery rhyme o awiting pambata. Isang inosenteng tula para sa mga walang muwang na bata.
Para itong Pandora's Box na nabuksan. Hindi natin napansin na napakawalan na pala natin ang pinakamalakas na demonyo, ngunit huli na pala ang lahat.
"Kapag nasambit mo na ang tula ay hindi mo na mapipigilan ang Crooked Man. Hindi ka na makakawala at makakapagtago. Susundan ka niya kahit saan ka magtungo. Parating na siya para sayo. Hindi na kailangn ng utos, tula, o sumpa. Kung nasaan ang dilim ay aasahan mong nandoon siya. Isinumpa ka na, parating na siya at kukunin ka kahit anong mangyari. Magdasal kana ngayong hindi pa huli ang lahat."
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...