Narinig ko ang yabag niyang umaalingawngaw sa buong bahay. Tumakbo ako papalayo sa malaking bultong nakatalukbong ng sarong at may hawak na palakol. Habol ang hiningang pinagpatuloy ko ang pagtakbo. Ang mga kamay ko ay duguan at maraming sugat —dahil siguro sa pagsalag sa palakol na balak tumama sa aking dibdib at leeg. Kumukulo na ang tiyan ko dahil sa gutom pero isinawalang-bahala ko na lang dahil mas importanteng makahanap ako nang pwedeng mapagtataguan.
Lumiko ako sa kaliwa at nagtago sa madilim na lagayan ng mga kahon at sako. Narinig kong papalapit nang papalapit ang kaniyang mga yabag. Halos marinig ko narin ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot. Pinipigilan ko ang sarili kong sumigaw at humingi nang tulong. Tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Takot na takot na talaga ako.
Pinigilan nang kamay ko ang aking bibig na magpalawala nang hikbi kahit konti lang dahil nasa harapan ko na ang bulto na animo'y may hinahanap. Hinahanap ako na parang makikita niya lang ako sa tabi na nagtatago.
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...