Ang Kwentong Panghukay

449 18 5
                                    

Halos isang linggo na rin akong nailibing. Parati kong nariring ang mga kaluskos at mga yabag sa paligid ko. Alam ko hindi ito kapani-paniwala ngunit masaya ako kapag naririnig ko ang mga ito. Napapangiti ako dahil sa pag-iisip na hindi ako nag-iisa sa madilim at masikip na lugar na ito. Napakatahimik ng aking pagpapahinga at wala na akong mahihiling pa. Ngunit nagbago lahat ng maubos na ang aking mga laman. Wala nang natira dahil kinain ng mga kaibigan kong uod  at ang natira na lamang sa akin ay ang aking matitigas na buto. Ang mga mumunti kong kaibigan na dati kong kasama ay unti-unti na akong iniiwan dahil wala nang natira sa akin para kainin nila.

Simula noon, ang aking libingan ay naging sobrang tahimik. Nakakabinging katahimikan ang lumukob sa aking kapaligiran hindi ko pa nararanasan ang ganitong katahimikan sa tanang buhay ko. Doon ko napagtanto na nakakatakot palang lugar ang isang libingan. Mula ng araw na napagtanto  ko ito ay araw-araw kong hinihiling na sana'y may umalis sakin sa nakakahindik na lugar na ito. Habang dumadaan ang bawat araw ay mas nagiging desperado akong maka-alis dito. Kahit na ang pinakamahinang tunig ay ayos na sa akin basta't marinig ko ay magpapatuloy akong mabuhay sa kaunting pang panahon na hindi nasisiraan ng bait.

Dekada na ang lumipas, siguro hindi ko alam dahil hindi na ako nagbilang. Hinayaan ko na lang ang mga araw na lumipas. Unti-unti na akong naglalaho na walang bakas. Sa lugar na ito ay maiiwan ang aking sarili. Unti-unti na akong gumuguho at nagiging alikabok. Ang lugar na ito ay nababagay sa taong katulad ko, isang taong kinalimutan sa lugar na nilimot. Kapag nagpatuloy ang ganito ay buong puso kong tatanggapin ang aking katapusan . Handa ko nang tanggapin ang aking kapalaran na mawala sa mundong ito na walang kahit anong bakas.

Hanggang sa may marinig akong ingay na animo'y naghuhukay. Ang ingay ay nanggagagling mula sa itaas. Muli akong nabuhayan ng pag-aasa. Ito na siguro ang pinakamasayang sandali sa tanang buhay ko. Ang ingay ay papalapit ng papalapit sa kinaroroonan ko. Nagiging mas klaro ito at lumalakas. Ang kagalakan ko ay naguumapaw na sa wakas...sa wakas ay makakaalis na ako sa lugar na ito. Nang ang ingay ay napakalapit na at halos isang dangkal na lamang ang layo sa akin ay nakaramdam ako ng matinding kilabot na ngayon ko lang naranasan. Mas malala pa ito sa kilabot na naranasan ko sa hukay na ito.

Dun ko napagtanto na inilibing pala akong nakaharap sa lupa at ang ingay na aking naririnig ay nagmumula sa kailaliman ng mundo. Bago pa ako makapag-isip ay may mga brasong nagliliyab ang humawak sa leeg ko. Inilabas nito ang nakakatakot na mukha at tiningnan ako na parang isa akong makasalanang tao. Pinilit kong magpumiglas ngunit ang mga nagliliyab nitong braso ay unti-unti akong dinudurog. Hinila nito ako pailalim sa huli kong patutunguhan...

Sa Impyerno...

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon