Ginising ako ng aking anak mga bandang 11:30 kagabi. Kakasundo lang namin sa kaniya mula sa birthday party ng kaniyang kaibigang si Sally. Nakabihis na siya at naghahanda nang matulog. Katabi siya naming matutulog dahil iyon ang request niya. Nakatulugan ko na nga ang panunuod sa Netflix.
"Daddy..." Nagising ako ng hilahin niya ang aking damit. "Hulaan niyo po kung ilang taon na ako sa susunod na buwan?"
"Hindi ko alam, sweetheart." Sambit ko sabay suot ng aking salamin. "Ilang taon ka na nga ba?"
Ngumiti lamang siya sa akin sabay pakita ng apat na daliri.
7:30 na ng umaga. Walong oras na kaming gising ng aking may-bahay kakatanong lang sa kaniya kung saan niya nakuha ang apat na putol na daliri na hawak- hawak niya. Ngunit ayaw niyang sabihin kung saan ito galing.
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...