Kapit-Bahay (3)END

744 28 4
                                    

Binalikan ng pulisya at mga tanod ang lugar kung saan namin nakita ang nasabing pangyayari ngunit hindi na mahagilap ang babae at ang sinasakal nitong lalaki. Nanginginig akong yumakap kay Mama habang patuloy na hinahalughog ng mga pulis paligid.

Kina-umagahan, nagimbal kami sa ibinalita ng kumpare ni Papa na isang tanod. May nakita raw na bangkay ng isang lalaki sa tubuhan, wakwak ang tiyan at wala na ang mga lamang loob,sabi rin niya na hindi raw taga-rito samin ang biktima at mukhang lasing ng gumala kagabi. Ang ipinagtataka raw ng pulisya ay bakit puno ng kalmot ang katawan ng lalaki at mukhang ang ginamit lamang ay kuko.

Pumasok sa isip ko na baka siya yung lalaki na nakita namin kagabi. Tinanong ko kung saan banda ng tubuhan nakita ang bangkay at sinabi niya na malapit lang raw sa paradahan ng Jeep. Dun na ako kinutuban na baka siya nga yung lalaking nakita namin. Sinabi ng pulisya na isang addict daw ang pumaslang sa biktima at pinaghahanap na ito.

Mula ng araw na yun ay napuno ng ugong-ugong ang buong barangay namin. May naniniwalang addict nga ang may gawa ng nakasusulasok na krimen at ang iba naman ay sina Aleng Teresita at Mang Mario parin ang pinaniniwalaang pumatay sa biktima.

Hanggang sa isang araw ay nagulat na lang kami ng may mga kumpol ng mga tao na nakabantay sa pintuan ng bahay nila Mang Mario. May mga hawak silang palakol at sulu.
Sumisigaw sila at tinatawag ang tao sa loob na lumabas at harapin sila. Lumabas kami ng bahay at nakiusyoso sa mga tao kung ano ang nangyayari. Sinabi ng mga ito na nahuli raw nila sa akto si Aleng Teresita na sinisipsip ang dugo ng isa nilang kambing. Nagtanong ako kung may ebidensya ba sila na pwedeng maging pruweba na nakita talaga nila sa akto si Aleng Teresita. Dali-dali namang hinugot ng babae ang cellphone nya at ipinakita sa akin ang larawan ng babaeng nakaupo at kagat-kagat ang leeg ng kambing. Nasindak ako sa ikalawang larawan dahil malinaw na nakikita ang mukha ng babae at si Aleng Teresita nga iyon!

Natigilan ako ng marinig ang tunog ng pintuang sinisira. Nang lingunin ko ay nabuksan na nila ang pinto ng bahay. Unang pumasok ang mga kalalakihan na may hawak na palakol. Natahimik ang lahat at naghintay kung ano ang susunod na mangyayari. Lumabas ang isang binata at sumigaw na wala na raw tao sa loob nagsipasukan ang mga tao dahil sa pagtataka at isa na ako dun. Bakit hindi ko alam na umalis na ang mag-asawa eh magkapit-bahay lang naman kami pero hindi namin sila nakitang naghakot lamang ng kanilang gamit.

Nang makapasok na kami sa loob ay mukhang wala namang nawalang gamit. Umakyat kami sa second floor at ganun din wala namang nawala pero ang mag-asawa ay hindi namin mahagilap sa kung saan.

Lumipas ang isang linggo at walang anino man lang ng mag-asawa ang nagpakita samin. Hindi parin nawala ang ang chismis na si Aleng Teresita ay isang aswang at umalis sila dahil nabuko na sila. Hanggang ngayon ay isang malaking katanungan parin sa akin ang babaeng nakita namin nung gabi. Aswang ba talaga yun o pinaglalaruan lang kami ng aking isipan? Naging isang malaking pala-isipan sa amin kung ano nga ba ang tunay na katauhan si likod ng pangalang Teresita at Mario.

Mapa-hanggang ngayon sa kasalukuyan ay bakante parin at walang katao-tao ang katabi ng bahay namin. Wala ng may nagtangkang bilhin o lumipat sa nasabing bahay. Dahil siguro sa takot at pangambang bumalik ang Kapit-Bahay naming aswang.

End...

Chimkie2019

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon