Nakatanggap ang asawa ko ng tawag bandang alas dos ng umaga. Nakita kong nag-iba ang expresyon niya ng sagutin ang tawag. Mula sa naguguluhan ay naging balisa. Napabuntong-hininga siya ng matapos ang tawag. "Patay na si Mama" Sagot niya ng tanungin ko. Umalis siya sa kama at nagumpisang mag-impake ng mga gamit. Nilapitan ko siya at niyakap. "Aalis muna ako mga dalawang linggo akong mawawala. Uuwi ako sa amin para asikasuhin ang libing ni Mama. At para asikasuhin a-ang mga bagay pampamilya" sagot niya sa akin. Hindi na ako nagtanong pa dahil napapribado ng pamilya nila. Ayaw na ayaw ng asawa kong tinatanong ang mga bagay tungkol sa kaniyang pamilya at nirerespeto ko ito.
Hinalikan ko na lang siya sa noo at nahiga ulit. Kailangan ko siyang intindihin. Ako na rin ang nagpabook ng ticket niya paalis bukas.
Pagka-umaga nun ay umalis siya. Naiwan ako sa bahay mag-isa. Sa mga sumunod na araw ay nagkasya na lang ako sa pagkain ng mga take-out dahil wala akong ganang magluto dahil wala naman ang asawa ko. Nagfile din ako ng sick leave sa opisina namin. Lumipas ang isang linggo at kalahati. Tinext niya ako na sunduin siya sa Airport. Kahit na nagtataka dahil ang sabi niya ay dalawang linggo siya dun ay sinundo ko na lang siya. Hindi ko maipaliwanang ang pagtaas ng balahibo ko ng lumapit siya sa akin. Nakangiti ito at napakasaya. Siya naman ang asawa ko sigurado roon dahil mula ulo hanggang paa ay siyang siya ito. Maging sa pananamit. Pero pakiramdam ko ay may mali talaga. Hindi ko lang masabi kung saan o ano.
Nilapitan niya ako at niyakap ng napakahigpit. Hindi ko alam kung bakit pero nanigas ang katawan ko. Masaya siyang naglambitin sa braso ko pero ang mga mata niya ay napakalamig kung tumingin. "Okay ka lang ba, mahal?" tanong niya sa akin.
Tumango na lamang ako bilang tugon. Napasinghap ako ng makita ko ang pagkakaiba niya. Ang asawa ko ay may maliit na balat sa kaniyang mukha pero ang babaeng nasa harap ko ay wala. Natikhim ako bago nagsalita. "Urhm, a-anong nangyari sa balat mo bat nawala?" tanong ko sa kaniya.
"Ah yan ba" sagot ng babae. " Mabuti at nakita mo. Binigyan kasi ako ni Tyang ng pampawala ng balat kaya ayan. Effective nga eh." Ngumiti siya pero ang mga mata niya ay hindi mapakali na parang inaalam niya kung naniwala ba ako sa sinabi niya. Ngumiti na lang ako.
Nang makauwi na kami ay dumeretso ako sa kusina para kumuha ng beer. Pampakalma kumbaga. Nahagip ng paningin ko ang isang bowl ng strawberry. " Mahal hali ka nga rito! " tawag ko sa kaniya. " May strawberry pa dito gusto mo? "
Pumasok siya sa kusina at kinuha ang bowl. " Oy favorite ko kaya ito. " Kinagat niya ang isang strawberry at kumindat sa akin. Nagsitaasan ang balahibo. Ang asawa ko ay may allergy sa strawberry. Naoospital siya kapag nakakakain siya ng pagkain na may strawberry. May strawberry lang sa bahay dahil nakalimutan ko itapon iyon bago ko siya sinundo.
" Okay ka lang ba? " nag-aalalang tanong niya. Dahil natulala ako. "Okay lang ako, namiss lang kita ng sobra. " Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Hindi ko na alam ang gagawin. Buti na lang tumunog ang aking cellphone. " Sandali lang at sasagutin ko ito. "
Pumasok ako sa kabilang silid at sinagot ang tawag. " Honey? " sagot ng kabilang linya. Nakilala ko kaagad ito at boses ito ng asawa ko. " Hey " Kinapos ng hiningang sagot ko. " Hindi mo paniniwalaan ang nagyayari ngayon may--"
" Alam ko kung anong nagyayari ngayon" putol niya sa sasabihin ko. " Makinig ka kailangan mong umalis ngayon diyan "
" Okay " sagot ko sa kabilang linya. Pinatay ko na ang tawag. Humarap na ako sa pinto upang lumabas ngunit nakita ko ang peke kong asawa na nakatingin sa akin sa may pinto. " Okay ka lang ba? " tanong niya. Mabilis ang tibok ng puso ko. " Ok lang ako, kailangan ko munang umalis. May emergency kasi sa office namin. "
" Okay honey " sambit nito. " Balik ka kaagad ha "
Kumindat pa ito sa akin at dinilaan ang mga labi. Ngunit ang kaniyang mga mata ay napakalamig, at puno ng gutom? Tama ba ito. Palabas na ang sasakyan ko sa driveway ay tumawag muli ang asawa ko. " Nakaalis kana ba? " sambit nito ng sagutin ko ang tawag.
" Oo " sagot ko sabay paharurot ng kotse palayo. " Sabihin mo sa akin kung ano ba ang nangyayari? "
" Sasabihin ko pag-uwi ko. Basta huwag ka munang umuwi hanggat hindi ko sinasabi." Pinutol niya ang tawag. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit unatttended. Nagstay ako sa hotel ng tatlong araw. Hanggang sa nakatanggap ako ng tawag galing sa asawa ko. " Safe na. Pwede ka nang umuwi " sambit lang nito bago pinutol ang linya. Hindi niya man lang ako hinayaang magsalita.
Nagmadali akong umuwi. Nakita ko siyang naghihintay sa pintuan. Napakasaya ko. Tinakbo ko ang kinaroroonan niya. Sinipat ko ang mukha niya upang makasiguro. Siya nga ito dahil sa balat niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Matagal kaming nagyakapan hanggang inaya niya akong pumasok. " Pumasok kana " sambit niya. " Igagawa kita ng maiinom at sasabihin ko sayo ang lahat "
Hinalo ng asawa ko ang whiskey at coke. Ininom ko kaagad ito bago pa siya maupo sa harap ko. Ibinaba ko na ang glass ng may makita akong mantsa sa aking damit.Parang make-up liner ng asawa ko. Dun ako napatigil at may mga napagtanto. Una, kakaiba ang lasa ng nainom ko. Pangalawa, umiikot ang buong paligid. Pangatlo, ang birth mark ng asawa ko ay natanggal.
© Vel_Ane 2019
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...