Baul ng Manika

424 19 2
                                    

Dalawang taon na ang nakalipas mula ng lumipat ang aking tiyahin at pinsan kong si Lisa sa kanilang bagong bahay. Nang lumipat sila ay halos walang laman ang bahay maliban sa isang baul. Nang siyasatin nila kung ano ang laman ng baul ay nalaman nilang puno ito ng mga manika, ibat-ibang klase. Gustong-gusto ni Lisa ang mga manika kaya pinayagan siya ng kaniyang ina na ariin ito. 

Pagkatapos malipat ang kanilang gamit sa kanilang bagong bahay ay naging maayos na ang lahat. Ngunit nagsimula silang makaramdam ng kakaibang bagay at isa na rito ang paglipat-lipat ng pwesto ng baul na para bang may sarili itong buhay at naglalakad tuwing gabi. May mga araw na makikitang nasa silid ni Lisa ang baul at susunod na umaga ay bumabalik ito sa bodega. Noong una ay hindi nila ito masyadong pinansin. Akala ni Lisa ay ang kaniyang ina ang naglalagay ng baul sa kaniyang silid ganun din ang akala ng ina ni Lisa na ang kaniyang anak ang naglalagay ng baul sa silid nito.

Hanggang isang gabi noon ay inaya ako ni Lisa na mag-sleepover sa kanila. Umalis kasi si Tita lumabas siya kasama ang bago nitong nobyo. Naiwan kaming dalawa ni Lisa. Maa-alas dos ng ng umaga ng may marinig kaming malakas na kalabog. Nagmumula ito sa bodega sa taas.Nagmadali kaming bumangon ni Lisa at pumunta sa bodega upang usisain kung ano ang naglikha ng malakas na kalabog. Nakita namin sa itaas na baitang ng hagdan ang baul. Bigla itong natumba at gumulong pababa.

Sobra kaming natakot ni Lisa kaya tumakbo kami at pumasok sa silid ng kaniyang ina at ikinandado ang pinto. Nagtagal kami doon ng halos isang oras ngunit wala kaming narinig na kahit anong ingay mula sa labas. Sa pag-aakala naming maayos na ang lahat ay binuksan na namin ang pinto. Bumulagta sa aming paningin ang nakahilerang mga manika mabilis kong isinarado uli ang pinto. Kinalma ko si Lisa dahil umiiyak na ito sinabihan ko siyang huwag munang lalabas at kukunin ko ang aking cellphone para tawagan si Tita. Naglakas loob akong lumabas nang buksan ko muli ang pinto ay wala na ang mga manika.

Nasa baba na ako ng hagdan na may narinig akong mga yabag na nagmumula sa sala. Sinilip ko kung sino ang nasa sala. Laking gulat ko ng makita ang mga manika na naglalakad sa sala. Nagmadali akong bumalik kay Lisa at nakita ko siyang nanginginig dahil pinapaligiran ng mga manika. Kinalma ko siya at tinanong. Ang sabi niya ay naghihintay daw siya sa akin ng marinig niyang may kumatok sa pinto at sa pag-aakalang ako iyon ay binuksan niya. Bigla na lamang daw may naghagis ng mga manika sa kaniya. 

Lumipas ang 20 minuto ay bumalik na si Tita. Sinabi namin sa kaniya ang mga nangyari at naniwala din naman siya. Pinapahinga niya kami ni Lisa dahil wala pa kaming tulog dahil sa mga nangyari. Kinaumagahan, bago pa kami magising ay inilabas ni Tita ang baul na puno ng manika sa bakuran at sinabuyan ng gas upang sunugin. Simula noon ay wala nang kababalaghang nangyayari sa kanilang bagong bahay.


End 



ChimKie2019

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon