Nakaka-Adik na Kape

636 14 2
                                    

"Isa na lang talaga Puldo sasapakin na kita!" galit na turan ni Mrs. Salvador sa kaniyang katiwala. "Pasensya na talaga Madame, hindi ko po talaga kayang makapasok sa tindahan ni Lola Trinidad" paghihingi ng pasensya ni Puldo sa kaniyang masungit at bugnuting amo. "Huwag po kayong mag-alala sa susunod po magagawa ko nang makapuslit sa kusina nila."

"Naka ilang susunod kana Puldo pero parati ka nalang palapak" Iwinasiwas nito ang kamay at itinuro ang pinto. "Lumabas kana dito bago pa magdilim ang paningin ko. Hala lumabas ka, labas!"


-------------------------------------------------------------


Iilingiling na lamang si Mrs. Salvador habang nakatingin sa loob ng kaniyang Coffee shop. Paunti ng paunti ang mga taong pumapasok. Hindi naman ganito noon. Noon dinudumog ng mga tao ang kaniyang tindan nang kape. Nagbago ang lahat mula ng may bagong salta mula sa probinsya ang nagpatayo ng Coffee shop sa harapan mismo ng kaniyang tindahan. Mula noon halos lahat ng suki niya ay doon na nagpupunta sa kabilang kapehan. 

May namuong inggit sa puso ni Mrs. Salvador at ang ingit na ito ay naging galit. Kaya naisipan niyang utusan ang kaniyang katiwalang si Puldo na manmanan at pasukin ang kusina ni Lola Trinidad para malaman ang sekretong sangkap nito. Para narin malaman kung bakit dinudumog ng mga tao ang kape nito. Nag-isip pa siya ng isang plano kung  paano mapapasakanya ang kapehan ni Lola Trinidad.



__________________________________________________________

"Lola Trinidad, magandang araw po" bungad niya sa matanda. Nginitian niya ito ng napakaplastik. "Salamat po at pinaunlakan niyo ang aking paanyaya"

"Walang anuman Mrs. Salvador,  ano nga pala ang aking maipaglilingkod sayo?" sambit ng matanda.

"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa...." tugon ni Mrs. Salvador. Humigop siya ng kape mula sa baso. Tila tumigil ang mundo niya ng dumampi sa kaniyang labi ang napakasarap at malinamnam na likido. Halos ayaw bitawan ng kaniyang labi ang bibig ng tasa dahil sa sarap ng kape na kaniyang iniinom. Ano ba ito? Ang sarap ng kape nila rito walang maipagkukumparahan sa lasa, kausap niya sa sarili. Hindi na nakakapagtakang mas maraming dumarayo dito. 

Ibang-iba ang lasa ng kape nila dito keysa sa karaniwan.

"Ano naman iyon Mrs. Salvador?" bumalik ang diwa niya ng muling nagsalita si Lola Trinidad. Tumikhim muna siya bago magsalita. "Nais kong bilhin ang recipe ng iyong kape at itong Coffee Shop sa halagang 1 milyong piso."

Umiling-iling ang matanda.

"Pasensya na Mrs. Salvador pero hindi ko ipinagbibili itong Coffee Shop lalong lalo na ang kape na itinitinda dito" Diretsong sagot sa kaniya ng matanda. Kumunot ang nuo ni Mrs. Salvador dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may tumanggi sa alok niyang pera. 

"Gagawin kong 2 Millyong Piso ibigay mo lang sa akin ang Coffe Shop na to'" Nagmumukhang desperada na si Mrs. Salvador dahil sa alok nito. Lingid sa kaalaman ni Mrs. Salvador ay may dalawang pares ng nagbabagang mga mata ang nakatingin sa kanya. Naglalaway ito habang pinagmamasdan ang katakam-takam na kaluluwa ng walang malay na ginang.


"Pasensya na talaga Mrs. Salvador. Hindi mo ako masisilaw sa kayamanan mo.  Ang mabuti pa umalis kana dahil marami pa akong gagawin."  Walang nagawa si Mrs. Salvador kundi ang lumabas ng Coffee Shop ni Lola Trinidad na bagsak ang balikat.  Muling lumingon si Mrs. Salvador sa kinatatayuan ng Coffee Shop ni Lola Trinidad at may namuong maiitim na plano sa kaniyang isipan.

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon