Kaarawan ni Suzzy nang araw na iyon. Kaya dinala siya ng kanyang Lola Beth sa isang antique house.
Sa kaniyang paglilibot-libot sa tindahan nakita niya ang isang human size manika. Ang nakapagtataka lang ay may hawak itong dalawang daliri na hinulma sa wax.Agad niyang kinayag ang kaniyang Lola Beth na bilhin ito.
"Sigurado ka bang iyan ang bibilhin mo?" Tanong nang matandang lalaking may ari ng tindahan na may malaking ngisi sa mukha.
"Hindi mo na pwedeng ibalik iyan kapag nabili na. Hindi po kami tumatanggap ng refund." dagdag pa nito.
"Bibilhin ko iyan, magkano ba?"tanong ni Beth sa lalaki.
"200 pesos, mura na iyan"
Hindi sana ito bibilhin ng matanda ngunit nagpupumilit ang kaniyang apo. Ngayon lang daw kasi ito nakakita ng napakalaking doll.
Walang nagawa ang natanda kundi bilhin ang nasabing manika.
Nang gabing iyon matapos paglaruan ni Suzzy ang manika pina-upo niya ito sa kanilang sofa at gumayak na papunta sa kaniyang kwarto.Pumatak ang 1:30 sa kanilang orasan ngunit hindi makatulog si Suzzy. Makailang ulit na siyang paiba-iba ng pwesto sa higaan.
Hanggang marinig niya ang isang nakakakilabot na kanta.
"Suzzy.. Suzzy...
Nandito na ako sa hagdanan... Hintayin mo ako.."Kinilabutan si Suzzy sa kaniyang narinig nabato siya sa kaniyang higaan at hindi na makagalaw.
Nabasag ang katahimikan nang lumangit-ngit ang pintuan tanda na may pumasok.
Hindi makagalaw si Suzzy.
Naramdaman na lamang niya ang isang matulis na bagay sa kaniyang likuran...Kina-umagahan nun nagtaka ang kaniyang lola na hindi bumaba upang magtanghalian si Suzzy.
Kaya inakyat niya ito sa kaniyang silid. Wala siyang taong nakita kundi ang manika na nakaupo sa kama.
Tinawag niya ang pangalan ng apo ngunit walang sumagot. Naka amoy siya ng isang masangsang na amoy.
Nagmumula ito sa banyo.
Nang kaniya itong silipin nakita niya ang kaniyang apo na nakabitin at nakalabas ang dila naliligo rin ito sa sariling dugo.Ngunit ang nakakapagtaka ay putol ang isa nitong daliri sa kamay.
Nabasag ang katahimikan nang kaniyang narinig ang hagikgik ng isang bata sa kaniyang likuran. "Hehehehehe"****
Salamat po sa pagbasa😊©ChimKie
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...