Warning!
Gore and violence ahead.
Sa isang liblib na kagubatan sa probinsya ng Iloilo, maririnig ang mga palahaw at iyak ng isang babaeng animo'y nasa binggit ng kamatayan at tila dumaranas ng sobrang pasakit. Sa kubo malapit sa ilog kung saan nagmumula ang palahaw ay nakasindi ang isang gasera na nagsisilbing ilaw sa buong bahay.
Sa lamesa malapit sa siga-an ay nakalatag ang hubad na katawan ng isang babae. Puno ng preskang sugat ang kamay nito at tumutulo sa sahig ang kaniyang malansang dugo.
Siya si Vanessa, 24 taong gulang, isang tourista na nagtangkang mag mountain climbing kasama ang kaniyang mga kaibigan ngunit dahil sa may katigasan ang ulo niya at gusto raw niyang maka-experience ng adventure ay tinahak niya ang ipinagbabawal na daan. Kaya heto siya ngayon.
Hindi na marinig ang palahaw ni Vanessa. Mga mumunting hikbi na lang ang kaya niyang pakawalan dahil sa binusalan ng lalaki ang kaniyang bibig gamit ang isang maruming basahan.
Maririnig niya mula sa malayo ang paghahasa sa bato ng lalaki gamit ang kaniyang kutsilyo. Namamanhid na ang katawan ni Vanessa dahil sa ginaw sapagkat wala siyang damit at dahil rin sa hapdi na dala ng mga sugat niya.
Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at inisip kung nasaan na nga ba ang nga kaibigan niya. May halong pagsisi ang kaniyang mga pinakawalang hikbi .
"Imuklat ang imo mga mata, Ineng." (Idilat mo ang iyong mga mata, Ineng.)
Salita ng lalaki na hindi niya maintindohan. Nakasuot ang lalaki ng camouflage na t-shirt na animo'y myembro ito ng sandatahang lakas."Pakiusap pakawalan niyo po ako" Pagmamaka-awa ni Vanessa sa lalaki. Pinilit niyang gumalaw upang kalagin ang tali sa kaniyang mga kamay at paa ngunit bago pa siya makagalaw muli ay itinutok ng lalaki sa kaniyang leeg ang patalim.
"Nga ah man bûy-an taka? Hay nagutôm ako. Kag ikaw ang akon mangin panyapon."
("Bakit kita papakawalan? Nagugutom na ako at ikaw ang aking magiging hapunan") sabi ng lalaki sabay dila sa mga labi nito na animo'y isa siyang nakakatakam na pagkain at napakasarap. Wala siyang naintindihan pero pumasok sa isip ni ang ilan sa mga binitiwan nitong salita, ang "nagutom".Tumayo ang lahat ng balahibo sa katawan ni Vanessa ng paglandasin ng lalaki ang talim ng kutsilyo nito sa kaniyang hubad na tiyan. Tumulo ang butil ng luha mula sa kaniyang mga mata. Nagulat ang lalaki ng biglang bumukas ang pintuan ng isa sa mga kwarto sa loob ng kubo.
"Kadugay sa imo, kagina pa gahulat ang mga bata. Perti na sa ila ka gutom"
(Ang tagal mo naman kanina pa naghihintay yung mga bata. Gutom na gutom na sila)
sambit ng babaeng lumabas sa kwarto sa lalaki siya kaagad bumaling."Pa-gwaâ na sila kay makaon dun." (Palabasin mo na sila at tayo ay kakain na)
sagot ng lalaki. Dali-dali ring pumasok muli sa kwarto ang babae at pagbalik ay dala na niya ang kaniyang tatlong anak."Tay, makaon nako" ("Tay, kakain na ko")
sambit ng payat na lalaki na nasa 7 taong gulang. "Tay,ang paâ lang ang akon" (Tay yung hita lang ang akin) sambit naman ng batang babae.Tumayo ang lalaki at naglakad sa kabinet at may kinuha. Nagulat si Vanessa ng nakaramdam siya ng kagat sa kaniyang mga hita. Nakita niya ang batang lalaki na pilit kinakagat ang kaniyang mga hita. Nagpumiglas si Vaness ngunit pinigilan siya ng babaeng nagdala sa mga bata at dahil dun malayang nakagat ng bata ang kaniyang hita, dumugo iyon.Sinipsip ng bata ang dugo sa kaniyang sugat.
Iniuntog ni Vanessa ang kaniyang ulo sa lamesa dahil sa sobrang sakit na pagkagat ng bata. Parang gusto nitong alisin ang laman niya ngunit natigil ang bata dahil bumalik na ang lalaki, may dala na itong maraming kutsilyo at ibinigay isa-isa sa mga naroon.
Unang hiniwa ng lalaki ang isa niyang ut*ng at sinubo iyon. Bumulwak ang dugo sa kaniyang dibdib at dinilaan ito ng mga bata. Sanlaksang sakit ang idinulot nito sa buong sistema ni Vanessa. Ikinuyom niya ang mga palad ngunit unti-unting nawawala ang kaniyang lakas.
Sunod na hiniwa ng babae ang kaniyang hinliliit. Hindi na nakayanan ni Vanessa na sumigaw dahil sa sakit. Pagkatapos hiwain ang kaniyang hinliliit ay nilagay ng babae ang naputol na daliri sa kaniyang bibig at nginuya ito.
''Kanamit" (Ansarap)
sambit nito habang papikit-pikit."Tatay, gusto ko magkaon sang atay!" (Tay gusto ko pong kumain ng atay!)
sigaw ng pinakabata. Kinuha agad ng lalaki ang hinahasang patalim at itinurok sa tiyan ni Vanessa. Nilagutan kaagad ito ng hininga. Patuloy parin sa paghiwa ang lalaki hanggang malantad ang buong lamang loob ni Vanessa. Isa-isang kinuha niya ang lamang-loob nito atay, bituka, kidney, at panghuli ang puso. Tumitibok-tibok pa ito nang mahina hanggang sa tumigil na talaga.Patuloy sa pagbulwak ang dugo ng walang buhay na si Vanessa. Nabalot ng malapot na dugo ang lamesa kung saan siya nakahiga. Masayang kumakain naman ang mag-anak na nakapalibot sa kaniya. May ngiti sa labing kumakain ang mga bata, may mga hawak silang tig-iisang kutsilyo. Ang pinakabunso ay kagat-kagat ang pinutol na braso ni Vanessa. Nakalatag sa mesa ang gutay-gutay na bituka at mga daliri. Basa ang sahig dahil sa tumutulong dugo.
Putol na ang ulo ni Vanessa at mababakas sa mukha niyang ang matinding hirap sinapit sa pamilya ng mga Cannibal. Nakanganga ang bibig nito at bakas ang takot at sindak sa nga dilat na mata.
Sa lamesa kung saan nakalatag ang putol-putol at duguang katawan ng babae, sa isang bahay na gasera lamang ang umiilaw at malapit sa ilog. Nakatira ang huling salin-lahi ng Pamilya Cannibal.
©ChimKie_97
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...