"Ma,ayoko po" Umiiling-iling na sambit ko.
"Kainin mo na!" Nanlilisik ang mga mata ni Mama habang sinusubuan ako.
Itinikom ko ng maiigi ang aking bibig at kapag tinititigan ko ang karne na isusubo ni Mama ay halos bumaliktad ang sikmura ko.
"Ma,ayoko po talaga!" Pilit kong inilalayo ang bibig ko sa kutsara na iniuumang ni Mama sa akin.
"Sige na anak tikman mo kahit isa lang oh" Pagsusumamo ni Mama.Halos maiyak na siya ngunit tinigasan ko ang puso ko,di' niya ako malilinlang sa pagpapaawa niya.
"AYAW MO?!" Imalingawngaw ang sigaw niya sa buong bahay. "Isang subo lang anak! Diba mahal mo si Mama? Sige na anak kainin mo na."
"Maawa ka naman kay Mama oh" Umiiyak na si Mama ngayon nakaluhod siya sa harapan ko.
Gusto kong maiyak ngunit mabuti nang mamatay ako kesa maging katulad niya.
-...-...-...-...-...-...-...-...-...-...-
Pinilit kong iaalis ang kamay ko sa pagkakatali.Nalalanghap ko ang malansang amoy ng dugo sa paligid.Nagkalat ang dugo sa sahig at ang pader na dati ay kulay puti ngayon ay may mga bahid na ng pula.Natatanaw ko rin ang nakahandusay na katawan ng aking kapatid na wala nang buhay.Naiiyak ako.Pinipilit kong igalaw ang upuan kung saan ako nakatali. Napapikit ako ng matumba ako sa sahig. Hindi ako makasigaw dahil sa duct tape na nagpipigil sa akin na humingi ng tulong. Humagulgol na lamang ako ng aking marinig ang palahaw ni Papa sa kabilang silid.Gusto ko siyang puntahan at iligtas ngunit nakatali ako.
Nagsipatakan ang mga luha sa aking pisngi. Hindi ko inaasahang dahil sa isang hiwa ng laman ay nagkaganito ang lahat.
-...-...-...-...-...-...-...-...-...-...-
Day Before...
"Ma,alis na po ako" sambit ko. Iniligpit ko na ang aking pinggan at uminom ng tubig. Hinalikan ko si Mama sa pisngi. "Mag-ingat ka anak. Agahan mo ang pag-uwi dahil magluluto ako ng favorite mo." sagot ni Mama. Tumango na lamang ako bilang sagot at umalis na ng bahay.
"Friend, narinig mo na ba ang balita?" tanong sa akin ng isa kong katrabaho.
"Ano na namang tsismis ang nasagap ng radar mo?" Mapangasar na sagot ko sa kaniya.
"Ikaw na nga itong binabalitaan para aware ka,nangaasar ka pa" Pagtatampo nito at bumusangot ang mukha. Tumawa na lamang ako sa ekspresyon niya.
"Ano ba kasing balita yan?"
Nagmadali naman itong umupo sa silya na nasa harap ng lamesa ko.
"Heto kasi yun,Si Aling Matilda diyan sa kabilang baryo. Yung sinusukian ng karne ng Mama mo.Dinakip ng pulis kaninang umaga lang dahil sa pagpatay sa kaniyang pamilya. May nakakita kasing kapitbahay nito na may dala si Aling Matilda na itim na plastik bag at inilagay lang iyon sa tabi.Nilapitan ito ng kapit-bahay niya at tiningnan. Ang laman pala ng supot ay mga binti ng tao!"
Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi.Kilala ko kasi si Aling Matilda dahil parati yang nagdedeliver ng karne ng baboy na iniihaw ni Mama tuwing Biyernes para sa hapunan.
"-at alam mo pa kung ano ang mas kung ano ang mas nakakagulat? Sa aktong huhulihin na siya ng pulis ay natagpuan na lamang siya sa isang tabi habang hawak-hawak ang pugot na ulo ng kaniyang asawa.Sa tabi naman nito nakahandusay ang nag-iisa nitong anak na lalaki,wakwak ang tiyan nito at ang mga lamang-loob ay nginangat-ngat ni Aling Matilda!"
Hanggang sa makauwi ako ay hindi ko makalimutan ang sinabi ng aking katrabaho.
"Anak,mabuti at nakauwi ka ng maaga.Ang Papa mo pala ay di' makauwi natuloy kasi ang project meeting niya sa Cebu." sambit ni Mama nang makapasok ako ng bahay. "Halika na at kakain na tayo" anyaya niya sakin.
"Pasensya na ma biglang sumakit yung tiyan at wala po akong ganang kumain" matamlay na sambit ko.
"Ganon ba,Sige magpahinga ka na at pakitawag ng kapatid mo dahil kakain na kami." Pumunta na lamang ako sa kwarto ng nakababata kong kapatid at tinawag ito.
"Ma,wala na po bang ibang ulam? Ayaw ko po ng karne nagdidiet po kasi ako" Narinig kong sambit ng kapatid ko.
"May natirang vegetable salad pa sa Ref yun na lang kainin mo." sagot ni Mama sa kaniya.Pumasok na lamang ako sa kwarto at natulog.
Kinabukasan,nagulat ako ng makita kong sumusuka si Mama sa may lababo.
"Ma,Okay ka lang po ba?" Tanong ko sa kaniya sabay himas sa kaniyang likod.
"Okay lang ako anak." Ngumiti si Mama sakin."Nasira lang siguro yung tiyan ko dahil sa ulam natin kagabi."
"Mag-almusal kana anak"
Umiling na lamang ako at sinabing sa opisina na lamang ako mag-aalmusal dahil marami pa akong gagawin.Lumipas ang buong araw at nalimot sa aking isipan ang nangyari kay Mama.Hanggang sumapit ang gabi,matapos naming kumain ng hapunan ay umakyat na ako sa aking silid.Maghahating-gabi na ng makaramdam ako ng matinding uhaw at bumaba ako upang kumuha ng tubig sa ref.
Laking gulat ko nang aking makita si Mama na kinakain ang isang tupperware na puno nang mamula-mulang laman.
"MA!" naibulalas ko na nakaagaw sa kaniyang pansin.Nanlilisik ang matang nilapitan niya ako at sinakal.Sobrang lakas ni Mama at hindi ako makapalag sa mga hawak niya.Nandilim na lamang ang aking paningin.
END
-...-...-...-...-...-
©ChimKie
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...