Kapit-Bahay

826 22 5
                                    

Magandang araw sa inyong lahat. Ako nga pala ang taga-sulat sa kwentong ito. Nais kong ibahagi sa inyo ang istoryang nag-iwan ng bulung-bulungan sa bawat sulok ng aming baranggay. Ang istoryang hanggang ngayon ay isang malaking katanungan sa aming lahat.

Si Aleng Teresita at Mang Mario ay bagong salta lamang sa lugar namin at nagkataon na nabili nila ang bakanteng bahay sa tabi namin kaya naging magkapit-bahay kami. Hindi pa naman sila nasa katandaan pero tinatawag na namin silang Ale at Mang simbolo nang paggalang. Maayos naman ang naging pamumuhay nila. Mabait sila Aleng Teresita at Mang Mario sa katunayan nga ay namimigay sila ng libreng hinog na mangga sa amin. May malaking puno nang mangga kasi sa likod ng bahay na nabili nila at kapag namunga ay napakarami.

Naging matiwasay ang unang buwan ng pamunuhay nila sa amin. Ngunit nung halos magta-tatlong buwan na sila ay doon na pumutok ang balitang hindi daw sila normal na tao. Base sa chismis na narinig ko eh ni minsan raw ay hindi nila nakitang bumili ng gulay o isda ang mag-asawa, hindi raw lumalabas ng bahay ang dalawa kapag sumisikat ang araw, at ang pinakamalala sa lahat ay 'Aswang' raw ang mga ito.
Marami ang naniwala at marami din ang hindi at isa na ako dun. Tinawanan ko lang ang chismis o kwentong barbero, haler! nasa 21st century na tayo eh hindi na uso ang Aswang – Aswang na yan.

Lalong lumakas ang bali-balita ng magsimulang mawala ang mga hayop ng mga poultry farmers. Kung hindi nawawala ay natatagpuang wakwak ang katawan, nawawala ang mga lamang loob, at halos walang natitirang dugo sa katawan nito.
kambing, manok, baka, kalabaw, baboy, at marami pang ibang hayop ang tinitira nang hindi matukoy na hayop. Sabi ng pulisya ligaw na aso raw pero ang sabi ng iba aswang raw ang may-gawa. Sina Aleng Teresita at Mang Mario kaagad ang pinagbintangan.

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon