Ang kwentong inyong mababasa ay hango sa totoong buhay. Ito ay pag-uusap ng dalawang magulang tungkol sa kanilang anim na taong gulang na anak na si Monika. Ito ay nakasulat sa chat conversation form.
George: Rose, nasaan kana?
Rose: Kakauwi ko lang mahal, bakit?
George: Makinig ka sakin mahal.
George: Kailangan mong umalis dyan, NGAYON NA!
Rose: Huh bakit?
Rose: Ano bang nagyayari George?
George: Hindi ligtas dyan. Basta sumunuod ka na lang
Rose: Papaano si Monika?
George: Iwan mo na sya
George: Wag mo siyang titingnan at wag kang lumapit sa kaniya.
Rose: Anubayan George! Tinatakot mo ako
Rose: Sabihin mo na kasi kung ano ang nagyayari
George: Wala na tayong oras, Rose
George: Nasa bahay ka pa ba?
Rose: Oo naman
Rose: Mahal bat parang nababaliw kana?
George: Pakiusap mahal sundin mo na lang yung sinasabi ko
George: Magatago kana!
Rose: Bakit naman ako magtatago? At sino ang pagtataguan ko?
George: Kay Monika!
George: May nangyari Rose. Manganganib ang buhay mo dahil kay Monika
Rose: Manganganib?
Rose: George, anim na taong gulang lang ang anak natin!
George: Alam natin pareho na may mali sa batang yan simula pa nung una.
Rose: Pero anak natin sya!
George: Hindi natin alam kung saan siya nanggaling!
George: Wala tayong alam sa pagkatao ng batang iyun!
Rose: Alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon natin George, intindihin mo lang muna siya.
George: Intindihin? Pinatay niya ang aso natin Rose!
Rose: Aksidente iyon
George: Talaga? Naniniwala kang aksidente iyon?
Rose: Naniniwala ako kay Monika.
George: Kakaiba ang kilos ng babae dun sa ampunan
George: Kahit yun lang ba hindi mo napansin?
Rose: Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko George
George: Please, umalis kana dyan
George: Tama na to
George: Kailangan mo nang umalis ngayon din!
Rose: Hindi ko talaga maintindihan
Rose: Nasaan si Monika?
George: Nandyan siya sa bahay kasama mo
George: Tumawag sakin kanina ang baby sitter niya
George: Sabi niya kakaiba daw ang inaasal ni Monika kanina. Nakakatakot din daw ang mga mata nito
Rose: Huh bakit?
George: Naging itim daw ang mga mata nito
Rose: Okay lang ba sya
Rose: George baka kailangan ako ng anak natin
George: Hindi Rose, pari ang kailangan ng batang iyon
George: O kahit sinong may alam kung paano matitigil ito
Rose: Matitigil ang ano George? Sabihin mo na kasi!
George: Kakaiba din ang naging kilos ng babysitter nya
George: Nang tingnan daw niya ang mga mata ni Monika ay nagsisisigaw daw ang bata
George: Nagsisigaw ito hanggang sa masuka
Rose: Baka masama lang ang pakiramdam niya
George: Sinuka niya ang ibon, Rose
Rose: Ano?
George: Mga buto ng batang ibon ang niluwa niya
Rose: Oh My God
George: Tumawag pagkatapos ang babysitter niya sa akin at nagsumbong. Nagpaalam din ito na uuwi na
George: Sinabi din niya na natatakot na siya kay Monika
Rose: Umalis siya?
Rose: Eh bat andito pa yung sasakyan niya?
George: Nakita ng siya ng mga paramedics sa tabi ng bahay natin na puno ng saksak
George: Hindi ko alam kung ano ang nagyari pero nakatawag siya sa 911 para humingi ng tulong
George: Tinanong siya kung sino ang may gawa nun sa kaniya
George: Sabi niya si MONIKA daw
George: Kaya kailangan mong umalis dyan!
Rose: George...
Rose: Nakalock ang pintuan at bintana
Rose: Hindi ako makalabas
George: Ano?
George: Paanong nangyari yun?
George: Magtago kana muna
George: Kahit saan basta hindi kana nya mahahanap
George: Malapit na din naman ako
Rose: Natatakot ako George, pakidalian
George: Andyan na ako
George: Nakapasok na ako sa garahe
George: Hahanapin ko lang ang palakol para mabuksan ang pinto
Rose: Andito lang ako
Rose: George?
Rose: Nahanap mo ba ang palakol?
Rose: Nasa tabi lang yun, kasama ang mga gardening tools
Rose: George?
Rose: George, asan kana? Maglalabing-limang minuto na ako dito
Rose: George, pakibilisan pls.
Rose: George?
George: Hello mommy...
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...