Ate

1.7K 36 5
                                    

Magulong-magulo ang bahay. Ang mga gamit ay nagkalat sa sahig, basa at marumi ang mga ito.

Malalanghap mo rin ang masangsang na amoy ng dugo. Nagkalat rin ito sa sahig maging ang dingding ay may bahid rin nito.

Sinimulan ko na itong linisin, kuskus dito, kuskus doon paulit-ulit kong ginawa hanggang malinis na ang lahat. Hindi naman ako ang naglilinis noon at kung sana tumahimik na lang siya at sumunod sakin hindi ito mangyayari.

Sigurado akong magagalit si Mama  dahil nabasag ko ang paborito niyang vase. Ginamit ko kase pamukpok sa kaniya para tumahimik.

Hindi bale, ipagluluto ko na lang siya ng dinuguan at nilaga, paborito niya rin naman iyon.

Hinila ko na siya at ipinatong sa taas ng lamesa. Kinuha ko na ang kutsilyong ginagamit na pang hiwa ng mga karne.

"Ate, maawa ka"

Narinig ko ang mahinang pagsusumamo niya kasabay ng pagtalsik ng dugo sa aking mukha. Binalewala ko lang iyon dahil patuloy sa pagbulong ang tinig.

Hiniwalay ko ang ulo at nilagay sa refrigerator, mainam kase yung gawing nilaga.

Ipinag-patuloy ko ang aking ginagawa kasabay ng pagtalsik ng mapulang dugo sa akin.

***********

©ChimKie  


GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon