Si Pat ay bagong salta mula sa probinsya. Mahiyain siyang klase ng babae at hindi masyadong nakikihalubilo sa tao. Lumipat siya sa Maynila para makipagsapalaran at doon mag-aral. Kasalukuyan siyang nakatira sa bahay ng kaniyang tiyahin, malapit sa kaniyang ekwelahan.
Matagal na niyang iniinda ang sakit sa kaniyang ulo. Ng magpakunsulta siya ay doon niya nalaman na meron pala siyang sakit na Photophobia. Ibig sabihin, ang mga mata niya ay sensitibo sa ilaw at sumasakit ang kaniyang ulo kapag natamaan ng matinding sinag ang kaniyang mga mata.
Dahil sa kadahilanang iyon ay parati siyang nagsusuot ng madidilim na sunglasses para protektahan ang mata. Hindi niya rin pinahihintulutan na kuhanan siya ng litrato na may flash. Ang flash kasi ng mga camera ang nagt-trigger sa kaniyang sakit.
Pebrero ng taong iyon, nagdiwang ang kanilang paaralan ng isang prom party. Nasa huling taon na siya ng high school kaya kasali sila sa nasabing pagdiriwang. Nagkakasayahan na ang lahat ng biglang may isang kaklase siya na kinuha ang kaniyang suot na eyeglasses at kinuhanan siya ng litrato. Nang kumislap ang ilaw ng flash ay inatake ng matinding sakit ng ulo si Pat.
Natumba siya sa sahig na hawak-hawak ang parang nabibiyak na ulo. Sa sobrang sakit nun ay bumula ang kaniyang bibig. Nagkagulo ang lahat at tumawag na ng tulong. Ng dumating ang ambulansiya ay mabilis siyang isinakay at dinala sa pinakamalapit na ospital.
Nanatili si Pat sa ospital ng anim na araw. Napakadilim ng silid na kinaroroonan niya. Bumisita sa kaniya ang lalaking kumuha ng kaniyang litrato at humingi ng paumanhinsa ginawa nito.
Pagkatapos ng halos dalawang linggo na nanatili siya sa ospital ay umayos din ang kaniyang lagay. Binilin sa kaniya ng doktor na tumigil muna pansamantala sa kaniyang pag-aaral para makasigurong maayos na ang kaniyang lagay. Niresetahan din siya ng gamot bago pinauwi.
Tuwing gabi lang siya lumalabas sa bahay ng kaniyang tiyahin. Naawa sa kaniya ito kaya pinayuhan siyang sa umuwi na lang muna sa probinsya para maalagaan nito ng maayos ang sarili.
Makalipas ang tatlong linggo ay napag-isipan niyang mag-impake at umuwi na nga sa kanila. Gabi niya napag-isipan na bumyahe. Gusto sana siyang samahan ng kaniyang tiyahin kahit hanggang sa istasyon lang ng bus pero tumanggi siya. May tatlong buwan na anak ang kaniyang tiyahin at may mga maliit pang supling. Ayaw niyang makaabala pa dito.
Nagpaalam siya dito bago naglakad papunta sa sakayan ng tricycle. Naglalakad na siya sa iskinita nila ng maramdaman niyang parang may nakatingin sa kaniya. Nilingon niya ang kaniyang likuran, wala siyang nakita.
Nagpatuloy siya sa paglalakad nasa dulo na siya ng iskinitang iyon ng maramdaman niyang may tumutok na matulis na bagay sa kaniyang likuran.
"Maglakad ka ng maayos." bulong sa kaniya ng lalaki sa kaniyang likuran. Bumaba ang tingin niya sa kumikislap na icepick na nakatutok sa kaniya.
Sinunod niya ang utos nito. May pumaradang itim na van sa hindi kalayuan at bumukas iyon. Lumabas ang dalawang lalaki doon at hinaklit ang kaniyang braso, hinila siya pasakay. Nang makasakay na siya ay pumasok na ang tatlo.
Umiiyak siya habang ang lima ay tawang tawa at nagpapayabangan pa kung sino ang mauuna sa kaniya. Dinala siya ng mga ito sa isang abandonadong bahay malapit sa kakahuyan.
Itinali siya ng mga ito sa upuan at binusalan ang bibig. Wala siyang nagawa kundi umiyak at magsumanong pakawalan siya ng mga ito. Tinawanan lang siya ng mga ito bago sinaktan at minulestya. Parang mga baliw ang mga ito na nakatunghay sa kaniya na humahalo ang sipon, luha, at pawis. Mga demonyong nagkatawang tao.
Napansin niyang mga amoy alak ang mga ito at mukhang nasa ilalim ng impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.
Nakita niyang bumunot ang isa sa mga ito ng camera at itinutok sa kaniya. Nagmakaawa siya at ipinaliwanag na may sakit siya na hindi pwedeng i-expose sa matinding liwanag. Sinampal siya ng lalaki at dinuraan. Hindi nito pinakinggang ang pagmamakaawa niya.
Kinuhanan siya ng mga ito ng madaming litrato. Kada tunog ng shutter ay nadadagdagan ang sakit ng kaniyang ulo. Parang binabayo sa sobrang sakit iyon. Napapasigaw siya. Parang sasabog sa sakit ang kaniyang ulo. Tumulo mula sa kaniyang mata, tainga, ilong at bibig ang malapot na pulang likido.
Halos dalawang oras ang kaniyang kalbaryo sa sakit. Nanginginig ang kaniyang buong katawan at halos hindi niya maigalaw. Muli siyang itinali ng mga lalaki at isinakay sa van. Naramdaman niyang tumigil ang mga ito sa hindi kalayuan.
"Salamat sa masarap na patikim, Miss." Tumawa ito. Nakitawa din ang ibang kasamahan. Narinig niya ang malakas na tunog ng tubig sa hindi kalayuan.
"Sinusumpa ko, babalikan ko kayo at ipapadanas ang kahayupang ginawa niyo sa akin. At kung sino man ang makakakita ng litrato ko ay madaranasan niya rin ang sakit na dinanas ko!"
Tinawanan lang siya ng mga ito bago ihinagis sa ilog.
Kinaumagahan, pumunta ang limang na lalaki sa isang photo shop para ipa-develop ang kinuha nilang litrato. Binayaran nila ng malaki ang empleyado ng nasabing photo shop para hindi ito magsumbong sa pulisya. Binantaan din ng mga ito na hahanapin kapag nagsumbong. Nang makita ng apat na lalaki ang nadevelop na picture ni Pat, hubad at nagmamakaawa, ay humagalpak sila ng tawa.
Ngunit biglang gumewang ang sinasakyan nila at bumangga sa isang truck na may kargang mga metal sa paggawa ng bahay. Tumusok ang isang matalim na metal sa salamin ng sasakyan at tumusok sa ulo ng driver. Natanggal ang kalahati ng utak nito at sumama sa dulo ng metal. Sumabog din ang dugo nito sa steering wheel.
Ang ikalawang lalaki ay dinala kaagad sa ospital pero namatay din kinagabihan, dahil sa internal bleeding.
Ang ikatlong lalaki naman ay maliit na gasgas lang ang natamo kaya pagkatapos gamutin ay pinauwi na ng doktor. Ngunit ng patawid na ito ng kalsada ay nabangga ito ng 10 wheeler truck. Nagkalasuglasog ang katawan ng lalaki. Ang mga buto nito ay nagkalat sa daan dahil sa malakas na impact ng pagkabangga dito. Hindi nahuli ang drayber ng nasabing truck dahil tumakas ito.
Ang ika-apat na lalaki naman ay walang galos na natamo kaya pinauwi ito kaagad. Kinagabihan nun, nang natutulog na siya ay napanaginipan niya si Pat. May dala daw itong maso at pinagpupukpok ang kaniyang ulo hanggang sa mawasak. Nang magising siya ay inatake ng matinding sakit ang kaniyang ulo.
Lumakas ng lumakas ang sakit hanggang sa hindi na niya makaya ang sakit. Hindi na niya alam ang gagawin kaya bumaba siya sa kusina at kumuha ng kutsilyo. Malakas niyang ibinaon sa kaniyang utak ang kutsilyo. Paulit-ulit niyang ginawa iyon hanggang sa bawian siya ng hininga. Nagkalat sa sahig ng kanilang kusina ang pudpod na utak niyang pinagtataga.
Ng mabalitaan ng ikalimang lalaki ang nagyari sa mga kasamahan ay sobra siyang natakot. Inalala niya ang huling mga salita ni Pat ng itapon nila ito sa ilog. Mukhang nagkakatotoo ang sinabi nito. Sumuplong siya sa pulisya at inamin ang krimen na kanilang ginawa. Ibinigay din niya ang mga litrato sa pulisya bilang patunay sa ginawa nila.
Kinulong ang lalaki. Pero hindi din nagtagal ay namatay ito. Pinag-uuntog nito ang ulo sa pader ng kulungan hanggang mabasag ang bungo nito.
Sinimulan na dinang paghahanap sa katawan ni Pat.
Makalipas ang dalawang araw ay lumutang ang bangkay nito. Dinala ang katawan sa morgue matapos ipa-autopsy at mapatunayang si Pat nga iyon.
Kinuhanan litrato ng doktor ang nakadilat na bangkay ni Pat at nagulat siya ng pumikit ito. Hindi kalauanan ay natagpuang patay ang doktor.
Lahat ng tumingin sa autopsy picture ni Pat ay nababalitaang nagkakaroon ng sakit ng ulo at hindi kalauanan ay nagpapakamatay. SInubukan nilang itago ang tungkol sa sumpa ni Pat pero kumalat pa din iyon.
Ang ibang litrato ni Pat ay kumalat din sa internet. Kung sino man ang nakita ng mga litarong iyon ay magkakaramdam ng sobrang sakit ng ulo at babangungutin. Dadalawin ng kaluluwa ni Pat ang nakakita sa litrato.
Huwag na huwag niyong hahanapin sa internet ang litratong iyon. At kung aksidente mo mang makita ay huwag na huwag mong tititigan sa mata. Huwag mo ding ipagkalat sa iyong mga kibigan dahil papatayin siya at maging ikaw din.
Kaya binabalaan kita. Huwag na huwag mong susubukang hanapin ang mga litratong iyon.
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...