(Inspired mula sa orihinal na eksena sa palabas na wrong turn ngunit may mga binago akong panggalan, pangyayari at lugar.)
Sa isang tahimik na kagubatang malayo sa sibilisasyong ating pinamumuhayan na walang huni ng ibon na maririnig sa paligid. Mabilis na pinapaharurot ni Marina ang kaniyang kotse patungo sa lugar kung saan sila magtatagpo ng direktor para sa kanilang photoshoot.
"Fred, nandyan na ba ang mga damit ko?" Kausap niya sa kaniyang P.A gamit ang cellphone. Nakahawak ang isa niyang kamay sa manibela at ang isa naman ay nakahawak sa telepono.
"Opo ma'am, kumpleto na po ang lahat dito. Kayo na lang po ang kulang."
"Sige, sabihan mo si direk na malapit na ako."
Umo-o na naman ang kausap niya. Binaba niya na ito. Mas lalong pinasibad ni Marina ang kotse dahil tinatadtad na ng mensahe ng kaniyang direktor ang kaniyang cellphone.
Napahinto siya sa bukana ng dalawang kalsada. Ang isa ay papasok sa gubat at ang isa ay mukhang daanan palabas. Napaisip siya na ang theme pala ng kanilang shoot ay pang-forest like. Kaya pinili niya ang daang papasok sa gubat.
Mas binilisan niya pa ang pagpapatakbo ng kaniyang sasakyan sa kalagitnaan ay biglang nahulog ang kaniyang cellphone mula sa dashboard.
Dali-daling pinulot niya ito habang nagmamaneho dahil tumatawag na ang kanilang direktor. Kampante naman siyang magdrive ng di' nakatingin sa kalsada dahil diretso lang naman ang daan dito.Sa kalagitnaan siya ng pagpulot ng kaniyang nahulog na phone ay kumalabog ang kotse na animo'y may nabangga itong malaking hayop. Itinigil niya ang sasakyan sa di' kalayuan at bumaba.
Laking gimbal niya ng makita niya ang isang lalaking nakahandusay sa kalsada, hawak ang tiyan at sumusuka ng dugo.
Natatarantang nilapitan niya ito at sinipat. Patuloy na sumusuka ng dugo ang nasabing lalaki."Tulong! Tulongan niyo kami!"
Lumuhod si Marina na hindi malaman ang gagawin. Sumisigaw siya ng tulong ngunit kinakain lang ng gubat ang kaniyang pagsigaw.
"Sir, OHMYGOD!" Pilit niyang kinausap ang lalaki ngunit sinukahan lang siya nito nang dugo. Nabasa ng malapot at malansang dugo ang damit ni Marina.
Pinilit niyang binuhatin ang lalaki upang isakay sa kaniyang kotse para madala sa malapit na ospital. Ngunit laking gulat niya ng bigla nitong kagatin ang kaniyang tenga at sa sobrang lakas nun ay natanggal ito.
Napatayo siya na hawak hawak ang dumudugong tenga. Paikis-ikis siyang naglakad papalapit sa kaniyang kotse. Ang nasa isipi niya ay kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon.
Samantala, sa kaniyang likuran ay tumayo ang kanina'y nakahandusay na lalaki, nginuya nito ang natanggal na tenga ni Marina. Para lamang itong bubble sa na makunat niyang nginunguya.
Nang akmang bubuksan na ni Marina ang pintuan ng kotse ay naramdaman niyang humapdi ang kaniyang ulo. Doon na dumilim ang kaniyang paningin at sumikip ang kaniyang dibdib. Hanggang sa di' na siya makahinga.
Patay na si Marina. Ang kaninang naramdaman niyang hapdi, pagdilim ng paningin, at hindi makahinga ay ang huling bagay na mararamdaman niya bilang tao.
Hinati ng isang di' kilalang lalaki ang katawan ng nakatayong si Marina. Gamit ang palakol na maka-isangdaan nitong hinasa ay hinati nito sa dalawa ang katawan ng kawawang babae. Bumulwak ang dugo at nalaglagang mga lamang-loob. Binasa nito ang maalikabok na daan. Dinilaan ng lalaki ang dulo ng palakol na may bahid ng dugo ni Marina.
Sinabunutan niya ang buhok nito at hinila niya ang isang parte ng nahating katawan. Ganun din ang ginawa ng lalaking nabangga ni Marina.
-edited-
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...