Malamig at maulang gabi noon. Nakatayo sa daungan ng bangka si Pacita Yokohama, hawak hawak nito ang isang maleta. Mataman itong naghihintay sa bangkang dadaong para maitawid siya sa lawang iyon. Naiilawan lamang ng isang poste ng ilaw ang kinatatayuan niya.
Nakaramdam ng matinding kilabot ang ginang. Pakiramdam niya ay may nakatingi sa kaniya.
Hindi kalaunan ay nakarinig siya ng kaluskus sa masukal na bahagi ng lugar na iyon. Pumihit siya paharap at nagulat siya ng makita ang isang lalaki sa kaniyang likuran.
Napakagusgusin ng mukha nito at punit-punit ang damit. May hawak itong palakol sa kanang kamay.
"S-sino k-ka?" tanong niya rito.
"Hindi na mahalaga kung sino ako..." sagot ng lalaki sa kaniya. Nakakatakot ang ngiting naka paskil sa mukha nito. "Mukhang malasa ka.... At... Masarap...."
Napasigaw si Pacita ng itaas ng lalaki ang hawak nitong palakol. Malakas na ibinagsak ng lalaki ang palakol sa ulo niya. Bumaon ito sa ulo ni Pacita at naging dahilan ng kaniyang kamatayan.
Nasayahan ang lalaki dahil dito. Maayos niyang napatay ang babae. Mabilis niyang hinawakan ang paa nito at hinila sa damuhan.
Tinahak niya ang masukal na kakahuyan pabalik sa kaniyang mumunting kubo, sa malayong parte ng kagubatan.
Isinalampak niya ang malamig na bangkas sa itaas ng lamesa ng makarating na siya. Hinubaran niya ito at isinampay ang mga damit sa silya. Lumabas siya at kinuha ang chainsaw na nakahilig sa puno sa labas ng kubo.
Nagsitalsikan ang dugo habang pinaghihiwalay niya ang katawan ng babae. Nadungisan ang mga silya at ang sahig. Napakagulo at malansa ang amoy ng buong kubo. Halos 30 minuto ang ginugol niya bago mapaghiwalay ang katawan ng babae.
Inihaw niya ang paa nito at ginawang sinabawan naman ang mga mata at daliri nito. Nang maluto na ay masaya siyang naupo sa hapag at nilantakan ito. Napapapikit pa siya sa lasa ng lamang ng tao.
Kinaumagahan, napagdiskitahan niyang buksan ang wallet ng babae. May nakita siyang sulat na kaipit doon. Habang binabasa niya ito ay nanlaki ang kaniyang mata. Namutla siya ng mapagtanto ang kamalian niya. Nanginginig siyang napaupo at nabitawan ang sulat.
Dear Ms. Pacita Yokohama,
Nakaabot na po sa amin ang resulta ng inyong laboratory. At ikinalulungkot po naming ibalita na meron kayong Leprosy(ketong) at nakakahawa ito. Inirerekumenda naming huwag muna kayong lumapit sa kahit sino dahil malaki ang posibilidad na mahawa sila. Magpapadala kami ng bangka diyan upang sunduin kayo at ihatid sa isolated hospital dito sa amin. Hintayin niyo ang bangka diyan sa Biyernes ng gabi bandang 11 PM.
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...