Sino yun?

811 23 10
                                    

"Good night mommy, good night daddy" sambit ko sabay halik sa pisngi nila.

"Good night din Baby Coleth, Happy Birthday! Sige matulog na tayo" sagot ni Mommy sabay halik sa noo ko.

Nginitian lang ako ni Daddy bago mahiga sa aking tabi. Magkakatabi kami ngayong matulog dahil yun ang birthday wish ko. Napangiti ako bago pumikit ang aking mata at tangayin nang antok ang buo kong diwa.


Naalimpungatan ako dahil nakaramdam ako nang matinding uhaw. Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan at tiningnan ang oras, 4:30 palang nang umaga. Hinay-hinay akong umaalis sa kama para di' magising sina Mama. Nagpatuloy ako sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso at ininom. Nang maibaba ko na ang baso ay nahagip ng paningin ko ang isang bulto nang lalaki. Nakatalikod ito sakin.

"Daddy? Ikaw ba yan?" tanong ko habang nagsalin muli nang tubig sa baso sabay lagok nito.

"Daddy, ang aga mo namang maghanda para sa work, 4:35 palang oh."

Hindi niya ako pinansin at nanatiling nakatalikod sa akin.

"Bahala ka Daddy, ikaw naman ang papagalitan ni Mommy eh"
sambit ko bago bumalik sa kwarto. Pagpasok ko ay isinara ko nang maiigi ang pinto bago maglakad papalapit sa kama.

Ngunit natulos ako sa aking kinatatayuan nang makita kong mahimbing na natutulog si Daddy sa kama.

Nagsimulang tumaas ang mga balahibo sa katawan ko. Dahil siguro sa takot ay dali-daling sumampa ako sa kama at yumakap kay Mommy. Chineck ko ang phone ko at nalaman kong Sunday pala ngayon at walang pasok sa opisina si Daddy.

Kung nandito si Daddy at mahimbing ang tulog,
eh SINO YUN?

dedicated to,
colethortega

Pasensya na dinagdagan ko hehe.

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon