Ang Simula ng Katapusan

523 12 0
                                    

Tinignan muna ng lalaki ang mga bayarang babae na nakapalibot sa kanya. Lahat ay walang saplot, lahat ay sabik, lahat ay birhen --- katulad niya. Isa-isa niyang binulungan ang mga babae, tapos saka siya pumwesto sa gitna. Isinuot ang kulay pulang piring sa mata na may amoy na mas nagpa-alala sa kanya ng mga bagay na maaaring mangyari; mas lalo siyang nanabik, mas lalong tumigas ang kanyang pagkalalaki.


Nang tapos na ang lahat ng paghahanda ay sinimulan na ng mga babae ang dapat nilang gawin. Salit-salitan silang labingtatlo sa lalaki, salitan sa pagsaksak hangaang sa mamula ang sahig sa kanilang paanan. Umiyak ang lalaki, ngunit hindi dahil sa sakit na nararamdaman, umiyak siya dahil sa ligaya.


Matapos ang tatlong siklo ng halinhinang pagsaksak ay tuluyang nawalan ng buhay ang lalaki. Nakadapa ito sa sariling dugo, dilat ang mga mata at malapad ang ngiti.


Ngunit hindi pa tapos ang gawain ng mga babae. Gamit ang malapot na dugo sa kanilang paanan ay iginuhit ng mga babae sa katawan nila ang isang bitiun na may anim na dulo, kasabay ng pagbulong sa hangin ng orasyong ilang araw nilang kinabisado. Labingtatlong beses nila itong inulit. Labingtatlong bituin din sa kanilang katawan.


At muli, tumayo ang dating walang buhay na lalaki, gumagaling ang mga sugat. Balot sa malapot na likido ang katawan, kulay dugo ang mga mata. Saka nagdasal ang lalaki sa bago nitong Diyos.

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon