Lumangit-ngit ang pintuan nang buksan ito ni Kelsey. Kakadating lamang niya sa apartment mula sa kanilang night out kasama ang kaniyang mga kaibigan. Madilim ang buong silid at patay ang lahat ng ilaw. Balak niya sanang buksan ang ilaw ngunit natandaan niyang natutulog na pala ang kaniyang roommate na si Dianne at ayaw nitong naiistorbo ang kaniyang pagtulog. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa higaan niya at humilata. Hinubad na lamang niya ang damit at nagkumot. Kinaumagahan, umalingaw-ngaw sa buong apartment ang sigaw ni Kelsey.
Maraming bahid at talsik ng dugo ang makikita sa kanilang silid ni Dianne at ang mas nakakatakot pa ay nasa tabi lang niya ang walang buhay na katawan ni Dianne. Tadtad ito ng saksak at lumuluwa ang mata. Nakasulat sa pader ng kanilang silid ang mga salita at gamit ang dugo ni Dianne at ito ay : "HINDI KA BA MAGPAPASALAMAT NA HINDI MO BINUKSAN ANG ILAW?"
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...