Nang paalis na si Digna sa kanilang bahay, ibinilin niya sa kaniyang mga anak na huwag bubuksan ang pintuan kahit anong mangyari.
"Kung may kumatok man ay huwag niyong pagbubuksan." bilin niya sa mga ito.
Ngunit hindi ito sineryoso ng kaniyang mga anak. Binalewala ng mga ito ang bilin ng kanilang ina.
Makalipas ang isang oras mula ng umalis si Dina ay may kumatok sa main door ng kanilang bahay. "Tok! Tok! Tok!"
Isinawalang bahala ito ng mga bata at nagpatuloy sa paglalaro ng puzzle sa sahig. Ngunit muling kumatok ang nilalang sa likod ng pintuan. Nagpaulit-ulit ito at habang tumatagal ay palakas ng palakas ang katok nito.
Hindi na makayanan ng anak na babae ang ingay kaya tumayo ito at humarap sa kaniyang kapatid. Pinaalalahanan siya nito ng bilin ng kanilang ina. Umirap lamang ang kapatid at naglakad palabas sa kwarto nilang magkapatid.
Muling may kumatok sa kanilang pintuan. Nagkibit-balikat na lang ang batang lalaki at nagpatuloy sa paglalaro ng puzzle. Narinig niya ang langitngit ng kanilang main door at nasundan ito ng boses ng kaniyang kapatid.
"Sino po sila?"
Hindi na nasundan ang sinabi ng kaniyang kapatid. Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong bahay. Nagtaka siya dahil hindi na bumalik ang kaniyang kapatid.
Bigla siyang kinilabutan at dahan dahang lumapit sa pintuan ng kanilang silid at sumilip. Wala siyang nakitang tao. Nagmadali siya at lumabas mula sa kanilang backdoor. Humahangos na kumatok siya sa pintuan ng kanilang kapit-bahay.
Nilingon pa niya ang kanilang bahay. Napapaupo siya ng makita ang ulo ng kaniyang kapatid na nakawagayway sa bintana ng kanilang silid. Tumayo siya at lalong kinalampag ang pinto.
Hindi nagtagal ay bumukas ito at sumungaw sa siwang ang isang matalim na palakol at pinugot ang kaniyang ulo.
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...