Bumili kami ng aking asawa ng isang bahay, dalawang taon na ang nakakaraan. Kasama ang aming dalawang anak. Okay naman ang kinatitirikan ng bahay. Isang mabuting ina ang aking asawa. Siya parati ang gumagawa ng gawaing bahay kapag may pasok ang mga bata at ako naman ay nagtatrabaho sa malapit na opisina.
Naging masaya at masigla ang naging umpisa namin. Hanggang sa dumating ang pinakamalagim na pangyayari sa buhay namin...
Minsan na siguro nakakita na kayo ng isang katayan. Kung saan nakahilera ang mga karne ng kakatapos lang katayin na baboy. At nakatayo sa likuran nito ang isang matabang lalaki na nakasuot ng apron na may mga bahid at talsik ng dugo. Katulad rin ito sa amin.
Parating preska ang mga ibenebentang karne sa madiliim na pasilyo na iyon. Kahit anong luto sa karne ay swak na swak sa panlasa. Mapa-prito man, adobo, o sinigang.
Hindi ko alam kung anong tumulak sa akin at bumili ako ng tatlong kilo ng karne sa kaniya isang gabi nun. Pumasok ako sa lumang katayan na iyo. Kung alam ko lang sana ang kalalabasan ng ginawa kong iyon ay hinding hindi ako tatapak sa lugar na iyo.
Sobra akong nagtiwala kahit na kahinahinala ang mga ngiti sa labi ng lalaki. At bakit hindi ko napansin na kahit malamig ang panahon ay tila mainit-init pa ang karne na ibinigay niya.
Nang makarating ako sa bahay ay ipinasok ko sa ref ang karne at umakyat na sa itaas upang matulog. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog kaagad ako. Ngunit hindi ako nakatulog ng maayos dahil ginambala ako ng isang katakot takot na panaginip.
Nanaginip ako na nasa isang babuyan Napakalawak nito at ako'y naglalakad sa putikan na walang diresyon. Nakita ko isang abandonadong gusali at halos matibag na ito dahil sa katandaan. Napatingin ako sa kural na punong-puno ng matatabang baboy.
Ang iba ay gumugulong sa putikan at ang iba ay tumutulo ang sipon. Napatakip ako ng ilong ng umihip ang hangin at kinalat sa paligid ang amoy ng mabahong baboy.
Paikot-ikot ako sa lugar na iyo at tila may hinahanap pero hindi ko alam kung ano. Napapasuka ako sa amoy ng hangin pero patuloy pa din ako sa paglalakad.
Tumigil ako ng makita ang isang bilog na bagay na kumikinang sa lupa. Gustuhin ko mang umakbo palayo pero ang katawan ko ay ayaw makisama. Hinatak ko ang bilog na isa palang door handle na nagbukas ng tila tunnel.
Lakas loob akong pumasok sa butas. Hindi ko alam kung paano ako kumasya. Naglakad ako sa kadiliman hanggang sa maaninag ko ang kakaunting liwanag. Lalapit pa sana ako nang may lagutok akong nadinig. Tiningnan ko ang aking paanan at nakita kong puno ng buto ng tao ang lugar. Ang dingding ng tunnel ay ginawa mula sa bungo ng tao. Ang ibang buto ay may kakaunting laman at may dugo pang nakakapit. Ang iba naman ay tila matagal na doon.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sa kahindik hindik na lugar. Nagising ako at napatingin sa bintana. Umaga na pala. Kumalam ang aking sikmura kaya bumaba na ako sa kusina para mag-almusal.
Nakita kong nakaupo na sa hapag ang aking asawa at dalawang anak. Kumakain na sila at ang ulam ay ang nabili kong karne. Tila sarap na sarap ang mga ito sa paglamutak sa mamula mulang karne. Ang mga kamay nila ay napahiran pa ng mantika ng baboy. Magsasalita na sana ako ng biglang umubo ang aking asawa ganun din ang aking dalawang anak. Tila hindi sila makahinga. Lalapit na sana ako ng biglang nangyari ang hindi ko inaakalang mangyayari.
Natumba ang mga ito at nanginig. Naestatwa na lang ako. Tumayo ang aking asawa mula sa pagkakahiga at nilapa ang isa kong anak.
Ganun din ang ginawa ng isa. Napuno ng talsik ng dugo ang puting sahig ng kusina. Nakaupo ang tatlo sa gitna at nagkakagatan ng laman at kinakain. Tila sarap na sarap ang mga ito at hindi iniinda ang sakit ng pagkapunit ng kanilang laman at balat.
Napaupo ako sa pintuan.Hindi ko kayang manood pero hindi ko maalis ang aking titig sa kanila. Habang ang tatlo ay naguubusan ng laman. Makaraan ang ilang oras ay wala nang natira sa kanila kundi ang kanilang mga lamang loob na nagkalat sa sahig ng kusina. Ang mga buto nila ay nakahiga malapit sa mga lamang loob.
Inaresto ako ng mga pulis dahil sa silang pagpatay sa aking pamilya. Hindi totoo iyon!
Hindi ko sila pinatay! Mga kasabwat ang pulis ng mangangatay! Alam mo iyon!
Kumain din sila ng karne kaya sunod sunuran sila.
Ikaw! Pati ikaw ay kumain din ng karne! Hindi ba? Kaya ayaw mong maniwala sa akin! Hindi kana tao! Narinig mo ko? HINDI KANA TAO! Isa kanang hayop! Isang hayop na sunod sunuran! AHAHAHAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)
Horror(📌#1 in Horror (COMPLETED) Mga nakakapanindig balahibong mga kwento na sa kadiliman ay nagmula. Sa kailaliman ay sinuyod upang ihatid sa inyo ang Gimbal at Sindak! Halika at ating suungin ang mundo ng kadiliman..... (Read at your own risk) ~Raw and...