TWO 2 Sara

105 4 0
                                    

TWO 2 (Sara)

SARA

Salamat! Natapos din tumayo ako tsaka nag unat-unat. Nasa aklatan ako ngayon para sa ginagawa kong pananaliksik tungkol sa mga halaman.

Sara Yukito ang pangalan ko labing walong taong gulang. 5'6 ang tangkad ko hugis diamond ang mukha ko. Mapupulang labi na may kaliitan hugis. May kalakihan ang mata ko na may mahahabang pilit mata. Matangos rin ang ilong ko.

Kulay itim ang mata ko at kulay asul naman ang buhok ko na hanggang bewang ang haba. Maputi at makinis ang balat ko at simpre may kurba rin ang katawan ko gawa ng kawalan oras sa pagkain.

Namana ko ang kakayahan ni Inay na manggamot. Pana lang ang alam kung gamitin panglaban. Sinubukan ko naman ang iba subalit bigo ako. Kaya ko naman makipaglaban ng sabayan subalit hindi ganun katagal. Sa panggagamot kasi nakatuon ang buong oras ko.

"Magandang araw! Nandito sa papel ang kakailanganin ninyong sangkap para sa gagawin ninyong Potion for strong weapon kailangan may pasa niyo sa'kin ito sa susunod na linggo." Isa isang ibinigay sa'min ang papel na nakasulat doon ang sangkap at paggawa rito.

"Kung may tanong pumunta nalang kayo sa library at mag research doon. Pwede kayong magtulungan subalit bawat isa sa'nyo dapat may ganun potion. Maliwanag?"

"Yes! Miss Ren." Sabay-sabay namin sagot.

"Okey, good luck." Umalis na ito.

Nagkakagulo na sila dito sa silid namin. Oo nasa silid aralan na ako kanina kasi habang nagpapakilala ako sa'nyo pumunta na ako rito. Lumabas nalang ako dahil kung anu-ano nang naririnig kung masamang salita galing sa kamag-aral ko.

Mahirap talaga itong hanapin kahit lumabas kami mahihirapan parin kami sa paghahanap lalo ng delikado sa labas dahil sa masasamang hayop. May makikita naman dito sa loob ng akademya kaso hindi rin sapat o kompleto.

Nag-aaral ako dito sa YURI ACADEMY isang sikat na akademya sa buong ZEUZORA. Ang YURI ay kinuha sa pangalan ng may-ari nitong akademya na hindi pa namin nakikita hanggang ngayon. Kahit matagal na akong nag-aaral dito ay hindi ko parin nasisilayan ang itsura niya.

Ang ZEUZORA ang tawag sa mundo namin. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito. Maraming nagsasabing na kapangyarihan daw ang ibig nitong sabihin.

Nag pasya nalang ako pumunta sa hardin baka may mahanap ako roon. Pagdating ko roon, ang daming estudyante na ang naroon upang manguha ng sangkap kaya ang mga natira ay hindi na sagana ang anyo.

Umalis nalang ako wala naman akong mapapala doon. Saan kaya ako makakakuha? Kahit naman lumabas ako wala rin akong makukuha dahil takot ako sa mga hayop baka kasi kainin ako bigla e.

"Fu*k! Fu*k! Seryoso ba si Miss Ren? Hindi ba niya alam na ang hirap nitong hanapin. Sila ngang guro walang mahanap tayo pa kayang estudyante lang aahhh." Pinagsisipa ni Rio ang upuan.

"Rio kahit anong gawin mo kailangan parin natin maghanap kaso nga lang isang linggo lang ang binigay sa'tin." Wika ni Len.

Nakikinig lang ako sa mga reklamo nila kay miss Ren. Si Miss Ren kasi ang pinakamagaling sa pag-gawa ng potion kaya kahit makahanap at magawa mo ito malabong makakapasa ka sa pagkilatis niya rito.

Napailing nalang ako tsaka umalis doon baka kasi makita nila ako at isipin pa nilang isa ako sa naghahabol sakanila. Teka? Oo nga bakit ngayon ko lang naalala. Agad akong tumakbo sa silid ko para kunin ang pang sulat ko. Saka agad-agad na nagsulat sa braso ko.

---------

Tahimik akong nagbabasa sa hardin kung saan tambayan ng mga estudyante. May mga kanya kanyang upuan rito para magpahangin, magbasa o kahit anong libangan ng mga estudyante. Bigla nalang nagkagulo ang mga estudyante na alam kuna ang dahilan, kahit hindi ko na tignan.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon