TWO 38 (Espiya)
Third Person POV
Nasa gubat ng Suki ang batang si Sakura. Halos isang araw na itong namamalagi sa ilog ng Flores para mag-isip ng mga ilan bagay. Pilit binubuo nito sakanyang isipan ang lahat ng nangyayari sa Zeuzora. Naguguluhan siya sa ilan bagay. Tulad nalang kung saan nagmula ang mga Yuko at Selong na kalaban nila ngayon. Mas nagpapagulo rito kung bakit pati ang mga Hirako ay sinusugod din ng nasabing kalaban. Napatigil ito sa pag-iisip ng bigla may isang tao na naupo sa tabi nito. Napangiti nalang ito ng makilala kung sino ito.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Takang tanong nito.
"Kay Sara, mukhang malalim ang iniisip mo." Napailing nalang ito sa sinabi ng taong yun.
"Bakit ka pala naparito Zhiean. Balita ko abala kayo sa pakikipaglaban." Tanong nito na ibinalik ang tingin sa ilog. Nabalitaan nito na mas lalong duma-dami ang mga Yuko sa paligid. At ang mga selong ay umaatake na rin sa bayan.
"Ayaw mo bang nandito ako?" Halata sa boses ng binata ang pagkalungkot nito.
"Hindi naman. Nag-aalala lang ako na baka pagkamalan ka nilang kalaban dahil bigla-bigla ka nalang nawawala." Takang napatingin siya sa dalaga dahil sa sinabi nito.
"Kalaban?" Tumango ito bago sagutin ang binata.
"Nalaman ko kay Sara na may espiya sa sainyo kaya minamatyagan nila ang bawat galaw niyo." Bilang napaisip ang binata dahil sa sinabi ni Sakura. Magsasalita sana si Sakura dahil sa biglang pagtahimik ni Zhiean ng biglang inatake sila ng mga Hirako.
"Zhiean." Mabilis nitong itinulak ang binata para hindi tamaan ng sandata isa sa mga Hirako.
"Snio sila?" Takang tanong ni Zhiean na nilabas ang sandata nito. Hindi sumagot ang dalaga sa tanong ni Zhiean. Sa unang pagkakataon ngayon lang niya nakitang, ang dalawa mismo sa pinuno ng mga Hirako ang lumabas para kunin siya. Sapagkat itong mga nakaraan araw laging may mga anino na umaatake sakanya para kunin ito.
"Sino kayo?" Malamig na tanong niya sakanila. Napatingin sakanya si Zhiean dahil sa tuno ng boses nito.
"Hindi mo na kailangan pa malaman bata. Dahil sasama ka sa'min sa ayaw at gusto mo." Agad nakilala ng dalaga kung sino ito dahil sa boses nito.
'Black Butterfly.' Sambit nito sa isip. Hindi sana ito mag-aalala kung hindi niya kasama si Zhiean ngayon.
"Ganun ba? Sige nga subukan niyo akong dalhin." Nakangising saad nito at nilabas ang latigo nito.
"Sa tingin mo bata. May laban ka sa'min?" Napangisi nalang nito ng makilala ang kasama ni Black Butterfly.
'Black Spider.' Sambit nito sa sarili.
"Kukunin ko ang antensyon nila at tumakas ka paalis rito." Bulong nito sa binata.
"Sa tingin mo ba, susundin ko yan kagustuhan mo." Malamig na sagot ng binata sakanya. Binalot ng yelo ang paligid nila na nagpailing nalang kay Sakura.
"Kailangan mo makatakas para ipaalam sakanila ito." Giit muli nito sa binata. Tilang walang narinig ang binata.
"Tsss... Sa tingin niyo ba hahayaan namin na may makatakas sainyong dalawa?" Saad ni Black Buttefly na puro itim ang kasuotan. Hindi na sumagot si Sakura at tumalon na ito paalis ngunit isang bagay ang tumama sa punong nais nitong tapakan. Nakangisi lang na nakatingin sakanya si Black Butterfly. Nakita nito si Zhiean na nakikipaglaban kay Black Spider. Hinataw nito si Black Butterfly ng latigo at mabilis naman nitong naiwasan. Ayaw nilang magsayang nang oras sakanila. Inihanda nito ang pana at palaso at balak nitong patamaan ng dalawa ng may isang bagay na tumama sakanya na naging dahilan ng pagkawalan nito ng malay.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasiHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...