TWO 52 (Blindness)
Third Person Point of View
Abala ang mga kawasik sa paghahanda sa lunas ng Prinsipe. Hindi na nila mabilang kung ilan beses itong nagsuka ng dugo. Hindi na alam ng mahal na hari ang kanyang gagawin. Nasasaktan siya para sa anak. Bawat ungol nito ay pangalan ni Sakura ang sinisigaw niya. Lahat nalang ginawa nila upang hikayatin itong matagal ng pumanaw si Sakura ngunit tila itong bato na walang naririnig. Hindi na nila mapigilan ang bawat pagtakas nito sa bahay nila upang hanapin ang dalaga tuwing may sapat itong lakas.
"Sakura." Ugol nito na tila nahihirapan sakanyang paghinga.
"Mahal na Prinsipe." Nag-aalalang gising rito ni Haring Sawkie. Ilan beses niya itong tinawag ngunit pangalan parin ni Sakura ang sinasabi nito.
"Magmadali kayo. Tawagin niyo si Sara." Sigaw ng hari na puno ng pag-aalala.
Ilan sandali pa dumating si Sara na dala-dala ang panglunas ng Prinsipe. Agad tinignan ni Sara ang Prinsipe. Tila nilamon ng kaba ang dibdib nito ng makita ang kulay ng balat ng Prinsipe. Kulay-lila na ito at namamaga ang ilan parte ng katawan nito.
"Musta na ang anak ko." Kinakabahan saad ng Hari.
"Magsisingungalin ako kung sasabihin kung okey lang siya. Ang kailangan lang natin gawin ngayon ay manatili sa tabi niya sa lahat ng oras." Napaupo sa sahig ang hari ng marinig niya ang sinabi ni Sara. Nalungkot ang buong palasyo ng malaman na bilang na ang mga araw ng prinsipe.
Pagsapit palang ng dilim umatake nanaman ang mga iba't ibang halimaw kung saan-saan parte ng Blue Moon. Bawat bayan ay nilagyan ng harang upang protektahan ang mga mamamayan ng Blue Moon. Naiwan mag-isa ang Prinsipe sakanya silid. Bawat isa ay alaba sa pagkikipaglaban sa mga nagkalat na halimaw sa paligid.
Sakura
Umupo ako sa gilid ng kama ni Hazuki. Ganito ang hitsura niya ng makita ko siyang nagsusuka ng dugo noon. Naamoy sa paligid ang dugong nagmula sakanya.
"Sakura." Tila nawasak ang puso ko ng bangkiting nito ang pangalan ko. Hinaplos ko ang muka nito dahil umiiyak ito habang sinasabi nito ang pangalan ko. Bakit ko ba ito nagawa sakanya? Ano bang nakita ko kay Zhiean at nagawa kung saktan si Hazuki?
"Patawad sa lahat ng napakit na dinala ko sayo Hazuki." Naiiyak na saad ko rito. Nagulat nalang ako ng bigla nitong hawakan ang kamay kung nakahawak sa pisngi niya.
"Sa-sakura?" Pinilit nitong umupo kaya tinulungan ko siyang bumangon. "I-ikaw ba yan? Buhay ka?"
"Oo, buhay ako." Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin.
"Sa-sakura, bu-buhay ka... buhhh." Naramdaman ko ang pagkabasa ng damit ko.
"Hazuki." Tinulak ko ito palayo sa'kin para makita ang kalagayan niya ngunit humigpit lang ang pagkakayakap niya sa'kin.
"Please, ha-yaan mo akong ma-matay na ka-yakap ka Sakura." Nahihirapan na itong magsalita ng matagal. "Ka-hit nga-yon lang." Hindi Hazuki, hindi ko hahayaan na mawala ka na hindi man lang ako nakakabawi sa kasalanan ko sayo. Gumanti ako sakanya ng yakap. I'm sorry Zky, ngunit mababali ko ang pangako ko sayo noon. Pikit matang binigay ko kay Hazuki ang ilan taon ng buhay ko kapalit nito ang sumpang mabubulag ako sa dilim.
Bigla nalang itong nawalan ng malay. Maingat kung inaayos ang pagkakahiga niya sa kanyang kama. Lumabas ang marka sa akin kamay kasabay nito ng paglalabo ng paningin ko.
"Hazuki, kahit sa ganitong paraan ay magawa kung makabawi sa mga kasalanan ginawa ko sayo." Hinalikan ko ito sa noo bago nilisan ang silid niya. Hindi kuna hahayaan marami pang magbuwes ng buhay dahil sa pagiging makasarili ko. Tanging pakiramdam ko ang aking ginamit upang makalabas sa bahay ng Hari.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...