TWO 21 (Twins)
Third Person POV
Iba't ibang emosyong ang nararamdaman ng mga bihag na hanggang ngayon ay nasa silda parin. Hindi makapaniwala ang star section na si Sara pala ang espiya o madaling sabihing ay baka ito pa ang pinuno ng mga kalaban. Habang ang ilan ay hindi na naghangad na makakaligtas pa sila kaya hindi na sila nagpakita ng anuman emosyon sa mga oras na yun.
"Sakura magpaliwanag ka? Nung isang araw ay nagpaalam kang pupunta ka sa gubat para makasal sa punong natipuhan mo. Tapos ito ang makikita ko at dito pa talaga sa mismong lupain natin." Galit na saad ni Lenard sa anak.
Mas lalong lumalaki ang katawan nito tuwing nagagalit ang ama kaya ganun nalang ang kabang nararamdaman ni Sakura sa mga oras na yun.
"Baka totoo ngang baliw itong si Sakura dahil magpapakasal pa mismo sa puno." Saad ng ilan sa kanilang isipan ng marinig ang sinabi ng ama nito.
"Tay naman e, wala po akong kasalanan. Itong si Sara ang nag utos sa'kin." Nagulat si Sara sa sinabi ng kakambal. Galit na tinignan ito ng ama na siyang naging dahilan ng pagluhod nito agad.
"Itay wala po akong kasalanan. Nahuli po ako ng kalaban. Humingi lang po ako ng tulong kay Sakura ngunit ganito ang nangyari." Malumanay na sagot niyo.
Naguluhan ang mga bihag sa nangyayari. Hindi na nila maintindihan ang tinatakbo ng pag-uusap ng mag-ama.
"Sakura ipaliwanag mo nga ng maayos ang nangyari." Mahinahong na utos ni Lenard sa anak.
"Hmmmm unang una hindi sa huli. Habang naglalakad ako bigla ko nalang naisip na hindi na pala nagpaparamdam si Sara nitong nakaraan na dalawang linggo. Kaya naisipan ko itong kumustahin. Hi--- " Naputol ang kuwento niya nang galit siyang tinignan ng kanyang ama.
"Pano ba?? Ah yun nga, nag paalam ako sainyo hindi kuna sinabi na ililigtas ko si Sara dahil sa sinabi ninyong paparusahan niyo ito. Nang umalis ako sa bahay simpre naghanap pa ako na pwdeng gamitin.. kaso nga lang sayang talaga ang pera ko dahil ang nakuha ko palang yuker ay---" Maslalo lang nagalit ang ama habang si Sara ay napapailing nalang.
"Tay naman e, paano ako magkukuwento kung ganyan ka makatingin." Nakasimangot na saad nito.
"Ayusin mo kasi anak." Nakangiting wika ng Ina nito.
"Nay musta na po." Masayang sambit nito ngunit mabilis rin nawala ang ngiti niya ng makita ang galit na mga mata ng ama nito. Napakamot nalang ito sa ulo at nagsimula nanaman magkuwento.
"Yun nga, once a fond a time dear was a girl who living in the castle---- " Tuluyan na itong nakatanggap ng batok sa ama. Muntik na matawa ang ina nito at si Sara ngunit agad nila ito napigilang dahil baka madamay sila sa galit ni Lenard.
"Gusto mong ipakasal kita sa aso ng magtino ka ngayon araw." Malamig na wika sa anak. Mukhang nasindak naman ito kaya umayos ang itsura nito agad. Napatango naman ang ama nito dahil alam na niyang makakausap na niya ng matino si Sakura.
"Nabihag lang sila ng mga Hirako." Nagulat ang ama nito sa narinig.
"A-anong ibig mong sabihin."
"Matagal kunang pinag-aaralan ang nangyayaring kababalaghan sa sentro. Nang mapansin kung tanging mga nakasuot na itim na damit ang nawawala ay doon na ako naghinala. Ilan ulit na rin ako nagpabihag sakanila para malaman kung ano ang ginagawa nila sa bihag nila ay labis akong nagulat sa mga natuklasan ko." Doon na napagtanto ng mga nadoon na hindi sila ang kalaban.
"Anong natuklasan mo?" Hindi makapaghintay na tanong ng ama.
"Ninanakaw nila ang anino ng mga nabibihag nila." Nataranta ang mga nasa silda. Doon nila napagtanto na totoo nga ang sinasabi ng dalaga dahil wala silang anino kahit nasisikatan na sila ng araw sa mga oras na yun.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasíaHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...