TWO 23 Advice

83 3 0
                                    

TWO 23 (Advice)

Sara

Hindi sila makapaniwala ng makita ang malaking bahay na nagtatago sa mga ulap. Ang totoo niyang ang bahay na ito ay para lang sa nagsasanay. Natagpuan namin ang lugar na ito kasama ang bahay na ito. Dito kami nagsanay ni Itay dahil nakakatulong ang nanggagaling na enerhiya sa lugar na ito sa taong nagsasanay na ng kanyang Zebu.

"May malaki ka palang bahay. Bakit nais niyo parin doon tumira sa maliit niyong tahanan?" Nagtatakang tanong ni Haring Sawkie kay Itay.

"Dahil sa liit nun ay madali ko lang makikita ang pamilya ko." Hindi nakasagot ang Hari.

"Ihahanda na po ang pagkain." Pahayag ng isa sa mga katiwala sa mansyon na ito. Nabubuhay lang sila pag may tao sa mansyon na ito.

"Kala ko ba mahirap lang kayo?" Hindi makatiis na tanong ni Len.

"Yun din ang alam ko e," Simpleng sagot ko sa kanya.

"Sara sorry nga pala doon sa mga nasabi namin sayo." Nahihiyang saad ni Len.

"Kalimutan niyo na yun."

"Wag na kayong mag-alala pa dahil hindi naman ako nagtatanim ng galit sa isang tao." Saad ko na kay Kira nakatingin.

"Kahit na ganun Sorry parin." Napapakamot na saad ni Kira.

"Mag tapat ka nga may gusto kaba sa kakambal ko." Muntik kuna may bunga ang iniinum ko dahil sa sinabi ni Sakura.

"Ate!" Suway ko rito.

"Nag tatanong lang naman. Ang pinaka ayaw ko pa naman ay yun mga torpe." Taas kilay na sabi nito. "Ang lakas na loob magkagusto. Wala rin naman palang lakas na loob magtapat. Para lang itong kumuha ng pagsusulit ngunit hindi naman nag-aral. Ide bongga." Tinapik ko ito.

"Tumigil ka nga. Ako nahihiya sayo e." Bumalin ang tingin ko kina Mai "Pag pasensyahan niyo na ang kakambal ko baka nakalimutan lang nito uminom ng gamot niya." Palusot ko.

"May sakit pala ako? Bakit hindi ko al---- hmmmm." Tinakpan ko na ang bibig niya dahil iirit pa. Hinigit kuna ito sa sulok.

"Ate naman e, bakit mo yun sinabi nakakahiya kaya. Alam mo naman na matagal na kaming hiwalay ni Kira" Asar na saad ko sakanya.

"Sorry naman tao lang nagkakamali." Ngising sagot nito.

"Haynaku ano pa ba ang magagawa ko." Niyakap ko nalang ito dahil wala rin naman mawawala kung magagalit ako.

-------

Isang paraiso ...

Nagliliparan angel....

Isang asul na mata.....

Isang mundo na may kalahating dilim at liwanag....

Isang puno.....

Limang babae....

'Hihintayin kita!'

"Sara! ... Sara! ... gising.. Hoy SARA!"

"A-ate, bakit?" Tanong ko habang hinahabol ko ang hininga ko.

"Napanaginipan mo nanaman ba?" Nag-aalalang tanong nito. Tumango nalang ako bilang sagot. Napabuntong hininga nalang ito.

"Hindi ko alam kung ano na ang gagawin natin." Sabay upo nito sa gilid ng kama.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon