TWO 12 Heartbreak

71 3 0
                                    

TWO 12 (Heartbreak)

SARA

Isang buwang na ang lumipas. Masasabi kung malaki na ang nagbago sakanila. Oo sakanila lang dahil hanggang ngyon ay hindi ko alam kung may nagbago ba sa'kin o wala. Hindi ko naman masasabi na lumakas ang Eun ko sa paggagamot dahil matagal na itong malakas.

Nag-ayos nalang ako para magpunta sa visiting area. Naglakad na ako papunta doon para tignan kung may sulat ba para sa'kin. Pagdating ko doon marami ng estudyanteng nandoon para kunin ang mga padala sakanila. Malapit na kasi ang araw kung saan pwdeng bumisita ang iyong magulang. Nangyayari yun isang beses sa isang taon.

"Mayron po bang padala para sa'kin?" Tanong ko doon sa taga tanggap ng mga padala para sa'min.

"Oo, Ito." Tsaka nito inabot sa'kin ang isang malaking box. Napakunot ang noo ko dahil sa laki nito.

"Salamat." Tinanggap ko nalang ito tsaka naupo sa gilid para buksan ito.

"Ang laki naman ata ng padala sayo nang magulang mo." Biro ni Len sa'kin. Pinalibutan kasi nila ako para tignan ang laman ng kahon.

"I think that gift is from someone." Kunot noong tumingin ako kay Rio ng sabihin niya ito at nginuso lang niya sa'kin ang blue card na nakadikit sa box.

Alagaan mo ang Baby natin hah..

I love you..

_ _ Kuraaaaaa

Napangiti nalang ako sa kalukuhan na naisip niya. kahit hindi niya isinulat ang buong pangalan niya alam kung siya ito.

Binuksan kuna ang box at isang malaking manika ang nandito. Kulay nyebe ito at malambot ito na masarap yakapin. Hinaplos ko ang balahibo nito ng may mahulog na card mula sa bulsa nito.

Napanaluhan ko ang manika na yan sa pista sa sentro kaya ingatan mo yan hah..

I love you..

_ _ Kuraaaaa

"Opo." Sagot ko rito kahit na alam kung hindi naman niya maririnig ang sagot ko.

"Mukhang may kasintahan ka sa labas." Napangiti nalang ako sa sinabi ni Len, subalit nawala ang ngiti na yun ng makita kung masamang nakatingin sa'kin si Kira.

"At mukhang may nagseselos rin." Nakangising dugtong naman ni Mai.

Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta sa kuwarto ko para dalhin doon ang gift ng kapatid ko. Naalala ko bigla na ngayon pala ang birthday namin dalawa. Tinitigan ko ang manika at may napansin akong kakaiba sa kaliwang mata nito.

Natulog akong kayakap ang manikang ibinigay ng kapatid ko. Ang sarap nitong yakapin. Naramdman kung may ibang tao sa silid ko maliban sa'kin. Nagpanggap nalang ako na hindi ko ito naramdaman.

"Mukhang gusto gusto mo yan manika." Boses palang alam kuna kung sino to. Umupo ako para harapin ito.

"Yeah, gusto ko ang manika." Hindi ko mabasa ang emosyon nito masyado itong malamig para mabasa ng ganun kadali. "Dahil galing ito sa kapatid ko."

"Kapatid mo?" kunot noo na tanong nito.

"Yeah, mahilig kasi yun sa manika subalit ayaw ni Inay na nakikitang may manika itong dala kaya siguro niya ipinadala sa'kin ito." Pagsisinungaling ko.

"Ahh ganun ba?" Napapakamot na sambit nito.

"Oo, bakit ka pala nandito? Alam mo naman na bawal ang lalaki sa dorm namin." Takang tanong ko rito.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon