TWO 18 Rhumiros

65 2 0
                                    

TWO 18 (Rhumiros)

Sakura

Nasa hardin ako ng palasyo upang magpalipas ng oras. Titig na titig ako sa sanga ng mga puno dito sa hardin. Nakakapagtaka kasi naiiba ang hugis nito sa mga puno namin sa Suki. Kayumanggi ang kulay ng katawan nito habang kulay puti naman ang mga sanga nito. Maaari kaya yun mangyari? Napabalik ako sa'kin urilat ng may magsalita sa likod ko.

"May kasalanan ba sayo ang puno na yan? Kung makatitig ka kasi parang papatayin mo." Napalingon ako rito. Isang babaeng berde ang buhok na dilaw ang mata. Sino kaya siya? Siguro isa sa mga kaibigan ni Sara.

"Anong ginagawa mo rito?" Napalitan ng simangot ang masayang mukha nito kanina.

"Kailangan kasi ng manggagamot ng palasyo kaya kami nandito."

"Kami?"

"Oo, lahat ng manggagamot sa Y.A ay nandito." May masama kayang nangyari?

"Lily nandito kalang pala." So, Lily ang pangalan nitong kausap ko.

"Dina may problema ba?" Nag-aalalang tanong nito sa bagong dating.

"Kailangan ka sa pagamutan ngayon, kaya tayo na." Ginigit niya na si Lily at patakbo silang umalis sa harap ko.

Mukha atang may nangyaring masama.

'Uuwi na ako, mukhang kailangan ka nila dito ngayon.'

Pagkatapos kung padalhan siya ng mensahe ay tinahak kuna ang daan palabas ng palasyo. Hindi nila ako dito kailangan.

----

"Bakit umuwi kana agad anak?" Nag-aalalang tanong ni Nay.

"Hindi nila ako kailangan doon Nay, mas kailangan nila doon si Sara." Nakasimangot na sagot ko. Mag mumukha lang akong tanga tuwing nagkakagulo sila na wala naman akong pwdeng itulong.

"Okey lang yan anak, may mga bagay talaga na hindi kaya ng isang tao." Malungkot na saad ni Nay. Akala siguro ni Nay nakasimangot ako dahil wala akong Zebu. Hindi ko kailangan ang Zebu sapat nang kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.

"Mukha atang masyadong seryoso ang ipag-uusapan ng mag-ina ko." Sabay kaming napalingon kay Tay na bagong dating.

"Tay, bakit nandito na po kayo tapos na ba ang pagsasanay ni Sara?" Kunot noong tanong ko. Ngumiti lang ito bilang sagot tsaka lumingon sa may pintuan.

"Sara anak ikaw na ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nay.

"Opo, Inay." Nakangiting sagot ni Sara.

Ibang Sara ngayon ang nakikita ko. Sobrang tingkad ang asul nitong buhok ganun rin ang mga mata nito. May marka rin nakatatak sa leeg nito.

"Wag mong sabihin na ikaw ang may hawak sa Aquatic Phanthon." Gulat na sambit ko.

"Anong ibig mong sabihin Sakura?" Naguguluhan na tanong ni Tay.

"Po?" Lagot ako nito.

"Ano ang Aquatic Phanthon?" Seryosong tanong ni Tay.

Lagot...

Third person POV

Hindi na alam ng bawat palasyo ang kanilang gagawin dahil sa napapadalas na pagsugod ng mga Hirako sa kanilang bayan. Tinipon nila lahat ang kanilang hukbo upang magtulungan sa nasabing kalaban na tilang walang kamatayan.

"Ano ng gagawi natin Haring Sawkie?" Nag-aalalang tanong ni Haring Linsio ng Ochi. Napatingin ang ibang hari kay Haring Sawkie na naghihintay sa magiging sagot nito.

The Weak One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon