TWO 22 (Sambre)
Sakura
Ipinaalam ko kay Nay ang tungkol doon sa nakagat ng anthon. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sakanila. Okey lang sana kung sina Sara lang ang nabihag ang problema ay pati ang mga hari ng bawat bayan ay nabihag din.
"Mas magiging madali siguro sayo kung makikipagtulungan ka sakanila." Napalingon ako kay Rib (ang alaga niyang Rabbit) na busy kumain. Napabuntong hininga nalang ako tsaka bumalik sa labas ng hardin.
Pinagmamasadan ko lang sila mula dito sa puno. Hindi mawala ang tingin ko doon sa Hari ng mga Rhumiros na seryosong nakatingin sa batang ginagamot ni Nay. Wala kasing nakikitang kahit na anong emosyon sa mga mata nito.
"Kailan kaya babalik ang anino namin?" Tanong ng hari kay Sara.
"Hindi ko po alam kung kailan." Sagot ni Sara.
"Dalawang araw nalang ay babalik na ang anino nila." Napalingon sila lahat sa gawi ko. "Magandang Hapon sainyo." Nakangiting bati ko sakanila.
Napalingon ako sa gawi ng Headmistress na gulat na gulat itong nakatingin sa'kin. Nginitian ko nalang ito nang mas lalong nagpalaki sa mata niya. Siguro hindi nila alam na kasama nilang nabihag din ang headmistress.
"Kanina kapa dyan?" Kunot noo tanong ni Tay .
"Hindi po kalalabas lang." Nakangiting sagot ko rito."Dito ka nga Sakura nais kitang makausap tungkol sa kanina." Pagkasabi nun ni Tay agad akong tumalon at nagpaikot-ikot sa era papunta doon sa bakanteng upuan sa tabi ni Sara.
Napapailing nalang si Sara sa ginawa ko.
"Ano pong tungkol sa kanina?" Malay mo kasi ang ibig niyang sabihin ay yun mga batok niya sa'kin.
"Nasabi mo kanina na may kinalaman ang mga Hirako dito." Seryosong saad ni Tay. Napabuntong hininga muna ako bago ito sagutin.
"Alam niyo po ba kung ano ang Hirako Tay?" Curious lang ako pano kasi kung iba pala ang ibig sabihin niya sa Hirako.
"Ang mga Hirako ay sila ang naging kalaban namin sa digmaan noon. Kilala sila sa paggamit nila ng apoy. Lahat ng kasapi sa pagkat nila ay apoy ang kakayahan. Kakaiba ang apoy na gamit nila dahil ito ang APOY NG KADILIMAN." Napapikit ako nang mariin ng marinig ang paliwanag ni Tay. Sabi na nga ba.
"Bakit anak ano ba ang Hirako sayo?" Sasabihin ko ba?
"Ang Hirako ay ang mga aninong nangunguha ng enerhiya sa kanilang kalaban." Agad na napalapit sa'kin ang headmistress. Mukhang hindi rin siya tinablan ng kapangyarihan ng mga Hirako dahil nakalabas siya sa silda niya.
"Wag mong sabihin na nakikita mo ako?" Tinignan ko ito sa mata bago ko sagutin ang tanong niya.
"Parang ganun na nga." Tilang nagulat siya sa sagot ko.
"Nakikita mo ako at naririnig?" Sa katunayan ay sa isip ito nagsasalita.
"Parang ganun na nga." Hindi rin siyang makulit nuh!
"Sakura sinong kausap mo?" Takang tanong ni Sara. Nginitian ko nalang ito bilang sagot.
"Kung ganun ang Hirako noon at ngayon ay magkaiba?" Tanong ng Hari.
"Parang ganun na nga." Napaisip nalang ako kung sasabihin ko sakanila.
Sara
"Wala kabang ibang isasagot kundi 'parang ganun na nga?'" Tinignan lang ako ni Sakura bilang sagot kaya napabuntong hininga nalang ako.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasíaHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...