TWO 49 (She Not Like Them)
Sakura
Maraming nangyari sa Blue Moon. Lahat sila ay masaya sakanilang pamumuhay. May awayan man nangyayari ay nagkakasundo rin. Normal lang naman ang mga ganun bagay sa bawat mundo hindi naman pwde na lagi nalang masaya ang nangyayari. Tila ganito rin ang kasayahan na nakikita ko noon sa Lintana ngunit mas naiiba ito. Lahat sila ay nagmamahalan at may pagpapahalaga sa bawat isa. Pinapanood ko lang ang bawat kaganapan sa bawat taon na nagdaan.
Si Sara at Kira ay tatlo na ang anak. Dalawang lalaki at isang babae. Ayaw bati man ay masaya naman silang nagsasamang dalawa bumukod na rin sila ng bahay. Si Mai at Yuen naman nakadalawa na ng anak. Lalake at babae ito. Lagi man nagsusungit si Mai ay lagi naman nagpapansensya si Yuen para hindi sila mag-away. Iba daw kasi magalit si Mai dahil hindi ito namamansin ng matagal. Si Rio at Len naman ay nagpakasal na at may isang kambal na lalake. Sila man ang nahuli sakanilang magkakaibigan ay nakahabol rin naman sila. Si Leo ay may asawa na rin ito at karen ang pangalan. Nakilala niya ito sa kanyang trabaho noon. Dalawa na ang anak nito parehong lalake. Si Lea naman ay kasal na pala kay Rico ang isa sa tauhan ng Hirako noon. Apat na ang anak nila dalawang lalake at babae. Noon una nais nitong patayin si Rico dahil sa pagsisinungalin nito ngunit wala na itong magagawa dahil may mga anak sila na kailangan si Rico bilang ama nila.
Pagkatapos ng labing limang taon ay pumanaw na rin si Haring Sawkie. Pinalitan ito ng kababata nitong kapatid na si Haring Zen. Si Zen na nakilala ko noon sa panaginip ko at naging master nila sa totoong pangyayari noon ay kapatid pala ni haring Sawkie kaya pala ginagalan nila ito noon. Kasal na rin si Prinsesa Yuri at Prinsesa Kiyoke. Nagawan kasi ng paraan ang kalagayan ni Prinsesa Yuri. Buhay pa si Haring Sawkie ng makasal silang magkapatid. Si Prinsesa Lara naman ay nasa mundo ng Rhumiros dahil kinasal ito kay Prinsipe Shiero noon pa bago matapos ang digmaan noon. Kaya pala hindi ko ito nakita ng pagbalik ko sa Zeuzora noon. Hindi inabutan ni Prinsesa Lara ang pagbabago ng Blue Moon.
Tumanda na rin sina Nay at Tay. Nanatili akong nasa tabi nila hanggang sa bawian sila ng buhay pagkatapos ng tatlo pong taon na nagdaan. Sa mga nagdaan na taon na yun wala akong ibang ginawa kundi bantayan ang mga nangyayari sa mga mahal ko sa buhay dito sa Blue Moon. Nasa harap ako ngayon ng puntod nina Nay at Tay para magpaalam sakanila.
"Ate Yuki!" Tawag sa'kin ni Leo. Matured na ang itsura nito. May dala itong puting bulaklak kasama ang anak at asawa nito.
"Hello po tita." Sabay-sabay silang humalik sa pisngi ko. Binata na sila. Mukhang mas matured pa sila kay sa'kin.
"Leo, mukhang anak mo na rin ako." Natatawang saad ko. Napasimangot nalang ito.
"Ate Yuki naman e, kasalanan ko bang hindi ka tumanda." Napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya.
"Hello po Ate." Nahihiyang saad ni Karen.
"Hello din, sige na mag bless na kayo kina Nay." Saad ko sakanila. Ginawa naman nila ang sinabi ko. Nag lagay sila ng bulaklak at nagdasal.
"Ate." Patakbo sa'kin yumakap si Sara. "Ate, na miss kita. Bakit di ka man lang tumanda." Nakasimangot na saad nito.
"Iwan ko rin." Sagot ko rito. Tinignan ko si Kira at tumango lang ito sa'kin.
"Hi! Tita!" Saad ni Kirs at humalik sa pisngi ko. Nakigaya rin ang mga kapatid nito.
"Musta na kayo."
"Okey lang po." Kirs. Natanaw ko sa malayo na paparating rin si Lea at Leo kasama ang mga sarili nilang pamilya.
Ilan sa mga anak ng kapatid ko ang may mga asawa na rin. Dahil sa tagal ng panahon marami ng magagandang nangyari sa buhay nila. Nagbless sila sa puntod nina Nay. At masayang nagsalo-salo sa mga dala nilang pagkain.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...