TWO 50 (Selfishness)
Sakura
Sinusubaybayan ko ang bawat kilos ni Zhiean. Gusto ko lang makasigurado na wala akong masasaktan pag nagpakita ako sakanya. Paano nalang kung may iba na pala itong nagustuhan at bigla nalang ako umeksina sa pagmamahalan nila ide ako tuloy ang nagmukhang kontradiba sa love story nila. Ayaw kung sumira ng buhay ng ibang tao. Nalaman kung flores din ang tawag sa lugar na ito. Nandito siya at tila may hinihintay. Halos dito na siya matulog buong gabi. Minsan na itong pinasundo ng hari at sinabi na baka nasa Blue Moon ako dahil nasabi na sa sulat na may nangyaring hindi maganda. Hawak nito ang sulat na binigay ko sa hari at tulala lang na nakatingin rito. Tila malalim ang iniisip nito.
"Bakit hindi mo man lang ako kinumusta sa sulat mo." Malungkot na saad nito. "Buti pa si Punong Hepe nabangkit mo sa sulat." Okey wala akong masabi. "Kumusta kana ba? Sana kahit hindi mo ako kinumusta. Dapat nagsabi ka na okey ka lang ng saganun hindi ako nag-aalala sayo." Tahimik lang ako nakikinig sa drama nito. Napag-alaman kung siya ang papalit sa trono ni Haring Gon kaya nagdadalawang isip ako sa mga dapat kung gawin. Lalo ng kaarawan niya ngayon at inibintahan ang lahat ng dilag sa Light Land para makapili si Zhiean ng magiging Reyna niya. Yun din siguro ang dahilan kung bakit ayaw ko magpakita. Hindi ako nararapat sa trono kung sakaling piliin ako ni Zhiean. Takot akong humawak ng tungkulin sapagkat baka hindi ko ito magawa ng maayos. Nagpapasalamat ako kay Rei dahil hindi niya kinalat ang hitsura ko. Nang tanungin ito kung ano ang itsura ko sinabi niya na matanda na raw ako. Sabagay tama naman siya matanda na ako sa edad hindi sa hitsura. Tinignan ko ang reaksyon ni Zhiean ng sabihin yun ni Rei ngunit blangko ang emosyon nito. Tinigil na rin nila ang paghahanap sa'kin dahil baka raw napadaan lang ako.
Third Person POV
Abala ang palasyo para sa gaganapin na kaarawan ng Prinsipe. Hindi parin makapaniwala ang hari na pinadalhan siya ng liham ni Sakura. Sa taon na nagdala ang akala nito baka wala na ito dahil sa mababa ang buhay ng mga taga Blue Moon. Pinasundo nito sa Flores si Prinsipe Zhiean dahil magsisimula na ang kaarawan nito. Ayaw man ng Prinsipe ngunit wala na ito magagawa pa. Nagkalat ang dilag sa palasyo na tila inaabangan ang paglabas ng Prinsipe. Nakaupo sakanilang trono ang Hari at Reyna ganun rin ang Prinsesa at asawa nito. Nasa kanilang trono naman ang mga ministro para makisaya sa kaarawan ng Prinsipe.
"Nandito na ang mahal na Prinsipe." Nagbigay galang ang mas mababa sa katungkulan ng Prinsipe ng dumaan ito sakanila. Kalungkutan yun ang una mong mababasa sa mga mata nito. Simula ng bumalik ito sa Light Land kahit kailan ay hindi nila nakitang ngumiti ito o nagsalita. Kahit anong pilit ng hari na kausapin ang Prinsipe ay hindi nito nagawang pagsalitain. Kung noon hindi ito nagsasalita dahil sa Zebu niya ngayon may mas malalim na itong dahilan kung bakit ayaw magsalita. Pagdating niya sa harap ng kanyang magulang nagbigay galang ito. Ang mga babaeng tila kinikilig kanina bigla naglaho ng makita ang malamig na hitsura ng Prinsipe.
"Binabati kita Mahal na Prinsipe." Masayang saad ng Reyna.
"Maligayang kaarawan mahal na Prinsipe." Kalmadong saad ng Hari. Bawat isa kanila ay bumabati sa prinsipe ngunit tanging tango lang ang binibigay nito sa matatamis nilang ngiti. Halos sanay na sakanya ang Light Land. Kilala na ito sa pagiging malamig at tahimik na Prinsipe. Sakabila non napapansin parin nila dito ang pagiging matulungin nito kung kaya't ganun nalang ang paghanga rito ng mamamayan ng Light Land.
Napatimik ang kasayahan ng may marinig silang hindi pamilyar na musika. Hinanap nila ito sa paligid ngunit hindi nila matukoy kung saad ito nagmumula.
"Sino ang tumutugtug?" Tanong ng Prinsesa Renna.
"Hindi po namin alam mahal ng Prinsesa." Sagot kanya isa nilang katiwala.
BINABASA MO ANG
The Weak One (COMPLETED)
FantasyHi! Reader, i'm sorry because if nabasa niyo na ang ibang chapter ng TWO ay dapat bumalik kayo ulit sa umpisa kung babasahin niyo ang bagong update na chapter nito dahil pinalitan kuna ang buong concept ng story.. thank you... __ Si Sakura Yukito a...